Kasambahay, Kulong sa Pagnanakaw

BIGONG MAITAKAS ng isang kasambahay ang mahigit sa P300,000.00 halaga ng iba’t ibang uri ng alahas at mamaha-ling cellphones ng pinagsisilbihan nitong amo sa Violeta Village, Brgy, Sta Cruz, Guiguinto, Bulacan.

Sa ulat na nakarating  kay OIC PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Orduña, kinilala ang nadakip na suspek na si Cristina Louete Y Umaac, 30 anyos, dalaga, kasambahay ng biktimang si April Acosta Y Vergel, 32 anyos, isang seawoman o crew ship sa isang luxery vessels.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang madiskubre ng biktima na nakabukas ang kanyang kuwarto at nakakalat ang kanyang mga gamit.

Nabatid na nakabukas na rin ang kanyang mga drawer kung saan nakalagay ang mahahalagang  gamit kabilang na rito ang iba’t ibang uri ng mamahaling alahas, maging ang nakatagong salapi at cellphone ay nawawala na rin.

Dahil dito, agad na hinanap ang kanyang katulong subalit hindi na niya ito matagpuan dahilan upang humingi ito ng tulong sa mga nagrorondang barangay-tanod.

Makalipas ang isang oras na paghahanap sa suspek, agad din itong naaresto at nabawi ang ilan sa mga ninakaw nitong alahas ng amo at maging ang mamahaling cellphone.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Guiguinto Municipal Jail habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.

(TONY DELA PEÑA)   

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.