Kasambahay, huli sa pagnanakaw sa amo

SWAK SA KULUNGAN ang isang 18-anyos na kasambahay matapos itong ireklamo ng pagnanakaw ng kanyang amo nang tanga-yin umano nito ang mala-king halaga ng pera ng huli kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan Police at nahaharap sa kasong Qualified Theft ang suspek na si Jelin Teodoro, 18, dalaga, stay-in housemaid sa Unit 16 B Mei Hua Bldg. No. 224 F. Roxas St., Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng amo ng suspek na si Virgina Co sa nasabing lugar.

Kuwento ni Teodoro sa pulisya, nakatanggap siya ng tawag sa telepono na naaksidente umano ang kanyang amo at kailangan ang malaking halaga ng pera upang pambayad sa ospital at sinabi sa kanya na kunin ang perang P100,000 na nakalagay sa drawer.

Dahil dito, agad niyang kinuha ang nasabing halaga ng pera at kapag nakuha na ay magkikita na lamang sila sa Malabon City Square Shopping Center, para roon iabot ang pera.

Sa himpilan ng pulisya, hindi naniwala sa kanyang kuwento si Co, kung kaya’t tinuluyan itong sampahan ng nasabing kaso. (MARY H. SAPICO)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.