Kasambahay Bill, Pirma na Lang ni P-Noy ang Kailangan

PIRMA NA lamang ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang hinihintay upang maging batas ang Senate Bill 78 at House Bill 6144 o mas kilala sa Kasambahay Bill, ,matapos ratipikahan ng Senado ang bicameral conference committee report na magbibigay karadagang-sahod sa mga kasambahay.

Inakda ito ni Senate President Pro-tempore Jinggoy Estrada, na magi-ging P2,500 na ang monthly minimum salary ng mga kasambahay sa Metro Manila, P2,000 sa mga chartered city at fist-class municipalities habang P1,500 naman sa ibang bayan.

Kasalukuyang nasa P800 lamang ang minimum monthly salary sa Metro Manila, P650 sa mga chartered city at fist-class municipalities, habang P550 naman sa ibang bayan, ayon na rin ito sa Labor Code.

Dagdag pa ni Estrada, “The amounts stated in our Labor Code are very much outdated and unrealistic, considering the high cost of living especially in the Metropolis. I think it is high time to increase the minimum wage which can be considered decent compensation.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Kasambahay Bill, Pirma na Lang ni P-Noy ang Kailangan

  1. Pingback: Kasambahay Bill, Pirma na Lang ni P-Noy ang Kailangan - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.