Kasambahay Bill, lusot sa Kamara

MAS MAGIGING protektado na ang mga karapatan ng mga kasambahay sa buong bansa.

Sinabi ni Aurora Rep. Juan Edgardo Angara na bukod sa sapat na pasahod, mas mapagtutuunang-pansin na rin ang mga pangangailangan ng mga kasambahay.

Matatandaan na bago nagtapos ang huling araw ng sesyon ngayong linggo ay nailusot na rin sa huli at ikatlong pagbasa ang House Bill 6144 na nakakuha ng 176 bilang ng boto mula sa mga mambabatas.                                                                                                                                    Nakasaad din sa nasabing panukala na dapat ang kontrata sa pagitan ng amo at kasambahay ay nakasulat sa salitang nauunawaan ng trabahador at ganap niya itong sinasang-ayunan.

Dadaan na rin sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards ang pasahod sa mga ito at hindi batay lamang sa kagustuhan ng kanilang employer.

Kung makararanas naman ng ‘di tamang pagtrato, panggigipit at iba pang pagsikil sa karapatan ay maaaring magbitiw sa kanyang trabaho ang isang kasambahay.

Ang mapatutunayang lumabag sa mga nakasaad sa kasunduan ay maaaring patawan ng P10,000 hanggang P40,000 na multa.

Samantala, bukod kay Angara, kasama rin sa may-akda sina House Committee on Labor and Employment Chair Emil Ong (NUP, Northern Samar); Reps. JV Ejercito (PMP, San Juan City); Alfredo Benitez (LP, Negros Occidental); Catalina Bagasina (ALE Partylist); Bernadette Herrera-Dy (Ang Bagong Henerasyon); Kaka Bag-ao (Akbayan) at mahigit 80 iba pa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.