Kasambahay, Biktima ng Rape-Slay

ISANG 18-ANYOS na kasambahay na pinaniniwalaang hinalay muna bago pinatay sa kasagsagan ng pagbuhos ng ulan ang natagpuan sa isang lugar sa Quezon City kamakailan.

Kinilala ni SPO1 Jaime Jimena ang nasabing biktima na si Vicky Ramos, stay-in helper sa isang pamilya sa Golden Shower St., Brgy. Payatas B, Quezon City.

Base sa report, ang biktima ay patay na nang matagpuan ganap na alas-12:10 ng hatinggabi sa tabi ng isang nakaparadang pampasaherong jeepney sa kahabaan ng Payatas Road malapit sa panulukan ng Golden Street.

Nagtamo ang biktima ng multiple stab wounds sa katawan at nakita sa tabi niya ang patalim na ginamit sa pagpatay.

Hinala rin ng imbestigador na ang biktima ay pinagsamantalahan dahil natagpuan itong nakabukaka ang mga hita habang nakasuot lamang ng T-shirt habang ang kanyang panty at short pants ay tinanggal.

Gayunman, ayon pa kay Jimena na hihintayin pa aniya nila ang resulta ng awtopsiya sa biktima upang matukoy kung positibong hinalay nga ito.

Bago ito, nagbantay pa si Ramos sa tindahan ng kanyang amo kasama ang isa pang babaeng helper din. Matapos maisara ang tindahan, nagpaalam pa ang biktima sa kasama na magpupunta sa may computer shop.

Ilang saglit lang sa computer shop ang biktima at nasa harap na ng bahay ng amo nang hatakin siya ng salarin, dagdag pa ni Jimena.

Samantala, nabatid pa ng imbestigador na nakatanggap ng missed call ang ibang maid mula sa biktima na maaaring tumatawag para makapasok sa bahay na nakasarado.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga kinauukulan sa naturang in­sidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.