Kasama ang pinag-awayan noong si Derek Gretchen at Angelica, magsasama sa isang proyekto

KUMPIRMADONG MAGKAKASAMA SA isang project sina Angelica Panganiban at Gretchen Barretto matapos na sila ay mag-away at magtarayan noon. At ang nakakaloka rito, ang kanilang magiging leading man ay si Derek Ramsay mismo na siyang dahilan ng away ng dalawa.

Okey lang kay Gretchen na makasama niya si Angelica at maging si Angelica ay ganu’n din para kay Gretchen. Pero ang tanong ng marami, matuloy kaya ang nasabing proyekto dahil kung noon ngang hindi sila nagkakasama madalas ay nagkaroon sila nang alitan, ngayon pa kayang mapapadalas ang kanilang pagkikita?

SOBRA-SOBRA ANG katuwaan ni Gina Pareño nang puntahan namin siya sa PICC, kung saan ay bida siya sa stage play na American Hwanggap.

“First time ko ito at ganito pala ang feeling kapag nakakapag-stage play ka, ibang-iba ito sa harap ng kamera na may mga take 2.”

Ayon kay Gina, nagkabuhol-buhol ang kanyang skedyul noong mga panahong nagre-rehearse siya.

“Actually, magba-back-out na sana ako, kasi sobra talaga ang hirap dahil that time magkakasunod ang mga ginagawa ko bukod sa pelikula at TV series ay may commercial pa ako, kaya kapag dumarating ako sa rehearsal, sobrang late na ako,” pag-amin pa ng aming kausap.

DESIDIDO ANG CHANNEL 2 na harangin ang bagong programa ni Willie Revillame sa Channel 5 na obvious na insecure ang mga ito, dahil obvious na mas bongga at mas masaya ang Willing Willie Kami (hindi pa tiyak ang titulo) kumpara sa Wowowee.

Ayon sa mga taong aming personal na nakausap, ang mga segment na ilalabas daw sa bagong show ni Willie sa Singko ay tiyak na kababaliwaan ng mga manonood, dahil bukod sa ubod na nang saya ay bongga pa ang mga premyong pamimigay.

Sa ngayon, ayaw magbigay-komento ni Willie sa bago niyang programa at kung ano ang mangyayari sa demanda niya sa ABS-CBN at ang demanda sa kanya ng nasabing TV network dahil nakatuon ang pansin ng aktor sa kung anong programa ang maibibigay niya sa kanyang mga tagatangkilik na matagal ding na-miss niya.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

14 thoughts on “Kasama ang pinag-awayan noong si Derek Gretchen at Angelica, magsasama sa isang proyekto

  1. Mabuhay! Great project ito pag pinagsama ang dalawang maganda. Angelica-Gretchen….anong say mo claudine laos? Ha ha ha…nanahimik na ang lola nyong laos dahil may magbubulgar ng kaputahan nya! O ano Claudine, laban ka pa?

  2. Angelica and Gretchen, parehong maganda, parehong magaling umarte. Huwag ng gawan ng issue. These two are trying their best to perfect their craft for us viewers to enjoy. More power to you both.

  3. KUNG SI MARIAN PARANG HAYUP ANG UGALE SI GRETA AT BELLO MGA MUKHANG HAYUP ANG PAGMUMUKHA ISANG MUKHANG TUTA AT ISANG MUKHANG PUSA.

    • napaka insecure mo talaga lahat na lang sinisingit mo si marian, puro ka na lang marian ng marian. ikaw ba yan sa avatar mo ang pangit – pangit mo hahahaha….. mukha kang bisugo bwahahahaha…

  4. YUNG PICTURE NI ANGELICA DI MAKATOTOHANAN PERO KAY GRETA NA MUKHANG MANGKUKULAM AT IBANG PLANETA DAHIL SA RETOKE ABA SWAK NA SWAK

  5. Alam ko na ang next project nila:

    Sequel ng Rubi – yung Fernanda. Tungkol sa pamangkin ni Rubi na lumaking kamukha n’ya (tulad sa Mexican version).

    Si Angelica si Fernanda.

    Si Derek ai Alex, ang anak ni Alejandro at Maribel.

    At si Gretchen…

    Ay ang tanders nang si Maribel, ang ina ni Alex/Derek.

    hahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.