Kasalang Robin-Mariel: Palabas Lang?!

SIPAT: ‘WALANG KASALANG NAGANAP!’ sey ni ROBIN PADILLA sa balitang nagpakasal na sila ni MARIEL RODRIGUEZ.
EKLAT: Ang ‘LAHAT’ ay PALABAS lang!

SIPAT: ‘GANDANG PUBLICITY GIMMICK, ‘no?
EKLAT: ‘Yung KASALAN o ‘yung RELASYON?

SIPAT: May SITCOM pala sina BINOE at MARIEL.
EKLAT: NGAYON pa lang NAKAKATAWA na SILA!

SIPAT: ‘BACKBITER’ daw si MARIEL? BAGAY silang talaga ni BINOE.
EKLAT: FRONTEATER si BAD BOY, ‘no!

SIPAT: Mas TUMIBAY raw ang RELASYON nina JOHN LLOYD CRUZ at SHAINA MAGDAYAO dahil sa MALISYOSONG INTRIGA sa kanila.
EKLAT: Mas TUMIBAY po, ha? At HINDI mas SUMIKIP…

SIPAT: ‘AYOKO TALAGANG MANIWALA sa TSISMIS na ‘yan!’ talak ng MAHADERA. ‘KULANG sa DETALYE!’
EKLAT: ‘WALANG LUMABAS kung ANO ang POSISYON nila, ‘no!’ pahabol pa nito.

SIPAT: ‘PINAGBATI’ na sina MARIAN RIVERA at BELA PADILLA.
EKLAT: IBANG USAPAN kung NAGBATI nga sila.

SIPAT: DALAWA ang BODYGUARD ni SARAH GERONIMO.
EKLAT: ISA para kay JOHN LLOYD, at isa para kay RAYVER CRUZ?!

SIPAT: CERTIFIED ‘KAPATID’ na si WILLIE REVILLAME.
EKLAT: CERTIFIED ‘KAAWAY’ na siya ng ABS-CBN!

SIPAT: At sa DEMANDAHAN NAUWI ang KAGANAPAN.
EKLAT: SAKIT agad ng ULO ng TV5!

SIPAT: ‘BARYA’ lang ‘yang P486-M na HINIHINGI ng KAPAMILYA.
EKLAT: CHIP-IN sina PAPI at MVP!

SIPAT: CATCHY ang TITULO ng BAGONG SHOW ni PAPI – ‘WILLING WILLIE!’
EKLAT: ALAM n’yo na ang AASAHAN sa SHOW…

SIPAT: PALITAN na ang TITULO ng PILIPINAS, WIN na WIN!
EKLAT: GAWIN nang PILIPINAS, WIN[DANG] na WIN[DANG]!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.