Kasalang Marco Alcaraz at Precious Lara Quigaman, isang double celebration!

MAAGA PA lang, mga alas-dos ng hapon noong Linggo (July 8, 2012) ay nasa Hacienda Isabella na kami para sa kasalang Marco Alcaraz at Precious Lara Quigaman. Sobrang tirik ng init ng araw pero pagdating ng alas-kuwatro ng hapon ay medyo umulan kaya naman naantala ang pagsisimula ng seremonya ng kasalan.

Handa naman ang organizers ng wedding kaya may mga white umbrella na nakahanda para i-distribute sa lahat ng guests sa kasalan. Bandang alas-singko ay nagtitipun-tipon na ang mga guests at entourage sa may poolside ng Hacienda Isabella para sa nakatakdang wedding ceremony. Mga 5:20 ng hapon ay nagsimula na ang wedding march. Ilan sa mga celebrities spotted ay sina Maja Salvador, Carlene Aguilar, Paolo Paraiso, Luis Alandy, Jason Abalos, Fred Payawan, Councilor Alfred Vargas, Wendy Valdez, Dina Bonnevie and husband Vice Governor DV Savellano ng Ilocos Sur, Councilor Shalani Soledad-Romulo at husband Congressman Roman Romulo at si Gerald Anderson.

Very solemn ang Christian ceremony at madrama ang naging pasasalamat nina Marco at Lara sa kani-kanilang mga magulang.

Sa wedding vows ng dalawa ay ginulat nito ang karamihan ng hindi nakaaalam dahil inanunsiyo ni Marco na on to parenthood na sila dahil almost 6 months preggy na si Lara. Pinangalanan nila itong Noah at sa tagpong iyon ay hinalikan ni Marco ang tiyan ni Lara.

Nagsisilbing double celebration ang kasalan dahil buntis na si Lara at ayon pa kay Marco, “Ang saya-saya dahil may junior na ako.”

Congratulations Lara and Marco sa panibagong phase ng buhay ninyo!

1-precious-lara-quigaman-marco_alcaraz-copy

Picture 1 of 9

RIGHT AFTER the ceremony, humingi kami ng mensahe kay Maja Salvador para sa mag-asawa. Parehong kaibigan ng dalaga sina Marco at Lara at ayon sa kanya, wish niyang laging masaya ang pagsasama ng kanyang mga kaibigan.

Itinanong din namin kay Maja, kung siya ba ay may dream wedding na. Natawa si Maja at ang sabi lang, “Naku, matagal pa ‘yun, tanungin n’yo na lang ako ‘pag dumating na ang araw na handa na akong magpakasal.”

Go, ikaw na, ‘teh!

 

KASABAY NG kasalang Marco at Lara ay isang text naman ang natanggap namin mula sa ‘di nakarehistrong numero. Nang basahin namin ang mensahe ay nagpakilala itong si Mystica. Ayon pa sa mensahe, inimbitaha niya kami para sa blessing ng tatlo niyang negosyo, ang Better Globe Philippines, Mystica Charity Foundation at ang Mystic Celebrity Talent Management Production.

 

Wow, ha? Tatlo-tatlo talaga ang negosyong binuksan ng kontrobersiyal na singer. Well, we wish Mystica goodluck sa kanyang binuksang business at foundation.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

2 thoughts on “Kasalang Marco Alcaraz at Precious Lara Quigaman, isang double celebration!

Leave a Reply

Your email address will not be published.