Kasalan, nauwi sa trahedya

SA HALIP na maging romantiko at puno ng magandang alaala, nauwi sa trahedya ang kasalan sa Barangay Muladbucad, Guinobatan, Albay.

Ayon sa kapit-bahay ng mga ikinasal na si Marlon Ocampo, naging masaya ang pag-iisang dibdib ng kanilang kapit-bahay na itinago sa pangalang Benny at Liza at maging sila ay napuyat sa ingay.

Gayunman, hindi nila a-kalain na ang pagsisindi ng kuwitis ang magiging mitsa ng trahedya dahil bigla na lamang napansin na nasusunog na ang bubungan ng bahay ng mga Ocampo.

Dahil pawang yari sa anahaw at pawid ang mga tahanan sa lugar kaya naman mabilis na kumalat ang apoy.

Base sa tala ng Bureau of Fire Protection at Guinobatan PNP, inabot din ng isang oras bago maapula ang apoy.

Sinasabing ang bagong kasal ay umalis na lamang ng lugar upang ituloy ang honeymoon habang iginiit ni Ocampo na manatili sila sa lugar at baka sakaling may mailigtas na kagamitan.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.