Saturday 25 May 2013

Clickadora: Kasal-sakalan

Sino ba namang kalahi ni Eba ang ayaw ikasal? Aminin na natin, bata pa lang tayo, nangarap na tayong ikasal nang bonggang-bongga. Ang hindi umamin, may pigsa sa pwet! Aba’y malamang  sa alamang, gusto naman natin ng bonggang happily ever after gaya nung lablayp ni Cinderella, Sleeping Beauty, Snow White at kung sino pang anik-anik d’yan sa tabi-tabi. Baka nga kahit hindi pa dumarating ang ating poging papable na prince charming, aba’y planado na ang mala-fairy tale nating pagrampa sa altar. Echos lang siyempre ‘yun dahil bago ka makarating sa altar habang suot ang mala-prinsesa mong gown, aba naman iha, siguraduhin mong may groom na nag-aantay sa ‘yo ha?

Pero itong ating mga bituin, aba’y kahit walang lablayp dahil single silang lahat kahit pa may mga umaali-aligid na mga barako, aba’y  rumampa na nang bonggang-bongga papunta sa altar suot ang kani-kanilang eleganteng wedding gowns, huh! But wait, there’s more to ask! Da hu ang groom? Baka naman hanggang telebisyon na lang ang pagiging bride n’yo mga ateng! Kaya galaw-galaw na at hanapin na ang nawawalang prince charming ng inyong buhay! Go na!

By Jean Oli

Related posts:

About the Author

has written 4928 stories on this site.

Write a Comment


Copyright © 2013 Pinoy Parazzi. | Designed by Ronnelle Pangilinan & Jayson Pimentel