Kasal nina Maricar Reyes at Richard Poon, sa Linggo na!

AFTER I-CONFIRM ni Richard Poon ang engagement nila ng kanyang kasintahan na si Maricar Reyes late april this year, nabalitaan namin na nakatakda na raw palang ikasal ang dalawa sa darating na Linggo, June 9, according to our reliable source.

Pero nanatiling confidential kung saan ikakasal sina richard at maricar maging ang reception at mga preparasyon. Kahit ang mga tatayong ninong at ninang from showbiz ay hindi pinapangalan.

Abangan na lang natin sa Linggo ng gabi kung may short video ng kanilang kasal na ipapalabas sa Star Patrol ng TV Patrol weekend o sa mga susunod na araw.

 

MAY ISA kaming nakausap na executive ng ABS-CBN last Wednesday na tahasang pinabulaanan ang tsikang pagbabalik diumano ni Willie Revillame sa nasabing network pagkatapos ng kanyang kontrata sa TV5.

Pero inamin ng nasabing executive sa amin na tila nagpaparamdam daw si Willie na bet niyang magbalik-Kapamilya.

Besides, napakaganda raw ng ratings at sales ng kanilang mga show bago magtanghali at sa tanghalian mismo na Be careful With My Heart at It’s Showtime, respectively, kaya masaya na raw sila sa ngayon, dagdag-tsika sa amin ng isa sa mga bossing ng Dos.

Speaking of Be Careful With My Heart, bukod sa balitang gagawing pelikula ito ng Star Cinema para sa darating na Metro Manila Film Festival sa December, baka tumagal pa rin daw ito hanggang next year hangga’t kinagigiliwan daw ng mga manonood, lalo na ang tambalan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap o Sir Chief.

 

MUKHANG INTERESTING ang bagong serye ng GMA-7 na My Husband’s Lover na pagbibidahan nina Dennis Trillo, Carla Abellana at ng bagong Kapuso Star mula sa Kapamilya Network na si Tom Rodriguez.

Mag-asawa sina Carla at Tom na isa palang closet queen na hindi alam ng una sa umpisa.

Lovers sina Dennis at Tom nu’ng high school pa sila at nagkahiwalay nang pumunta ng Amerika ang una hanggang sa magbalik ito ng Pilipinas at nagkita muli sila ng huli na kasal na nga kay Carla.

Sabi ng direktor na si Dominic Zapata, more than willing daw sana sina Dennis at Tom na magkaroon silang dalawa ng intimate scenes bilang mag-jowa, gaya ng halikan. Subali’t mahigpit na ipinagbabawal daw ng MTRCB ang pagpapalabas ng mga ganong klaseng eksena, lalo na ng kapwa lalaki o babae, sa TV, especially na nasa primetime slot ang kanilang serye.

Dalawang beses pa raw pinanood ni Tom ang pelikulang Brokeback Mountain nina Jake Gyllenhall at ng namayapang si Heath Ledger bilang preparasyon niya sa kanyang role. “Tinanong pa nga ako no’n ni Dennis bago kami magsimulang mag-taping kung natapos ko na ba raw panoorin ‘yung brokeback mountain,” kuwento ng aktor.

Pero sa totoong buhay, hindi raw kaya ni Tom na makipagrelasyon sa kapwa niya lalaki, kahit pa sa isang magandang beki na mukhang babae na at nagpa-sex change. “Unless siguro kung hindi ko alam,” sagot nito sabay tawa.

At so far, wala pa naman daw natatanggap si Tom na indecent proposal mula sa isang mayamang bading o nagtangkang tikman siya.

Napangiti lang si Tom nang kumustahin namin sa kanya ang twin sister ni Jinkee Pacquiao na si Janet Jamora na minsang na-link sa kanya.

Bading din ang role ni Kevin Santos na bestfriend ni Dennis na bagay na bagay sa kanya.

Ang isa pang bagong Kapuso star na si Victor Basa ay gumaganap din bilang beki sa serye na bestfriend naman ni Tom.

Ilan pang mga artista na kasama sa My Husband’s Lover ay sina Chanda Romero, Glydel Mercado, Roi Vinzon, Karel Marquez, Bettina Carlos, Pancho Magno, at ang Pop Diva na si Kuh Ledesma.

Franz 2 U
by Francis Simeon

Related Post

loading...

5 thoughts on “Kasal nina Maricar Reyes at Richard Poon, sa Linggo na!

  1. yang c poon e isa ring berdaderong pamhinta at  closeta yan gaya nina papa p.o mama p., samantha. erika, enchang etc… kita nman sa itsura at kilos nya kung gno \za kalamya…ang tanong e my mgyari kya sa knila sa 1st nite nila….knowing how hot maricar is in bed, masatisfy kya ni poon ang sexual needs ni maricar…

  2. bkit gnun bgla ngkapalit ng role cna tom at dennis kc ang sabi dunsa prescon ang mg-asawa esina carla at dennis ngaun bgla cna tom at carla na mg-asawa…bkit kya pumayag c dennis kc mas maganda ung role ni tom e kabago-bago lng nya sa gma….

  3. Ang ganda na sana ng naunang dalawang paksa, kasalan ni Maricar at Richard at Be Careful with my heart updates. Isiningit pa talaga ang GMA Show? Aw isiningit ba na mas mahaba pa kaysa dalawang naunang paksa. Hoy huwag niyong gamitin ang artista or article ng Kapamilya just to endorse your show. Kakahiya kayo. 

    • YAHAHAHAH ANO NAMANG MAGANDA SA PAKSA NINA RICHARD POON AT MARICAR REYES,,,WAHAHAHAHAH   SILA KAYA ANG PINAPATAMAAN NI CARLA SA KANYANG DIALOGUE…HAHAHAHAHA   YANG SI RICARDA POON,,,,MARAMING DUDA DIYAN,,,HAHAHAH MAY GENDER ISYU RIN YAN,,,ETO NAMANG SI MARICAR,,,SIYEMPRE MAKAKALIMUTAN BA ANG SEX VIDEO NIYA,,HINETA SIYA DIBA,,,HAHAHAHA AT MINSAN NAGING REYNA NG ABS CBN,,HAHAHA DAHIL SA PAGIGING KABIT NIYA KAY GABBY L…WAHAHAHAHA

      • Ang pinaka importanteng part ng buhay is MOVING ON. Sila naka move on na. Ikaw rin sana.

Leave a Reply

Your email address will not be published.