Kasal ni Roxanne Guinoo, inisnab ng kanyang showbiz friends?!

HOW TRUE ANG balitang narinig namin na hindi raw sinipot ang kasal ni Roxanne ng kanyang mga showbiz friends noong nakaraang Linggo sa NBC Tent The Fort, lalo na ang mga abay at mga ninong at ninang. Hindi man lang daw nagpasabi ang mga ito na hindi makapupunta sa importanteng event ng kanyang buhay.

Heart Evangelista at Raymond Gutierrez, nagkaayos na!

Sa birthday celebration nga ni Raymond sa isang noontime show, tuluyang natuldukan ang hidwaan sa pagitan nina Heart at Raymond. Nagkasalubong sa hallway ang dalawa at biglang nag-beso-beso. Hindi na idinetalye ng magandang dalaga ang insidente ng kanilang pagbabati.

Ayon kay Heart, “I don’t wanna talk about it, kasi ayoko namang magyabang o whatever. Ang sa akin lang, masaya ako. It’s always important to be surrounded by good people para alam mo kung ano ang dapat mong gawin.”

Ayon naman kay Raymond, “Birthday ko ayoko ng negative. Nasabi na ang gusto kong sabihin. Okay na ako ngayon. Nagkita kami ni Heart. Nag-beso kami, okay naman .Yes nagbatian kami. Medyo outburst of emotions lang for both of us two weeks ago, but everythings okay na.”

Sa wakas natapos na ang dalawang linggong pasaring nila sa isa’t isa. May bago na namang kontrobersiyang kinasangkutan si Heart at ang boyfriend nitong si Daniel Matsunaga. May kumakalat kasi na video na galing sa isang CCTV. Nakikipaghalikan sa elevator ang guwapong Brazilian sa isang babae, pero hindi raw si Heart iyon. Sa kanyang Twitter account, naka-post ang “don’t worry guys….if you saw it.. somethings cooking.

Hayden Kho at Vicki Belo, kasal na nga ba?

Kumalat nga ang tsismis na kasal na itong sina Hayden Kho at Vicki Belo. Sa launch ng isang bagong magazine, itinanong namin ang tungkol sa balitang ito. Sinabi ni Hayden na wala itong katotohanan na nagpakasal na silang dalawa. “Maybe in time,” sabi nito.

Okay na rin daw sila ni Cristalle Henares, anak ni Vicki, nagti-tweet na raw sila.

Sa parehong event, muntik nang mag-krus ang landas nina Hayden at Sen. Bong Revilla. ‘Di raw alam ng binata na nandu’n si Sen. Bong. Wala rin naman daw siyang sama ng loob sa senador.

Parazzismiz
By Maica Tidila

loading...

21 thoughts on “Kasal ni Roxanne Guinoo, inisnab ng kanyang showbiz friends?!

  1. BANGAG ATA WRITER NATO. EVERYBODY WAS THERE AND VERY GLAMOUROUS EVENTS. MALAKING INGGIT LANG NAGPASULAT SAYO NITO DAY..

  2. …napanood ko yung video ng kasal ni Roxanne/Elton Yap,grabe… gorgeous, feeling ko pakasal ulit…. :) at sana Maica,mag re-search ka muna bago maglabas ng report puro kayo imbento….. :( nandun si Maricel S.,Rahyan Carlos.,Vicki B.,Boy A.,Regine A.,Charline G., Mr.Lito Sy…ang ganda…pati baby nya pinkita rin.AS-IN BIGATIN ang dating :x …..

    • Exile, nevermind nakita ko na, thanks, ang ganda ni Roxanne, wow, i really like her. Ang husband nya parang mayaman at si Mariel lang yata ang nakita ko doon, diba naging kasama rin nya si Valerie Conception at si Janel Jamer ba yon or si Pokwang noong sila ay hosts pa ng Wowowee. Si Mariel lang yata ang nakita ko doon at si Regine Angeles. Ganda ni Roxanne, sana forever na ang samahan nila ni Elton.

      • Exile thank you sa link na binigay mo ha? Ang ganda ni Roxanne at Kristine Hermosa sa kasal nla. Yong kasal ni Roxanne elegant, ang kang Kristine naman very intimate at romantic. Exile sino ba yong bini BI sa journal.com.ph ni Mr. Peter Ampoloquio na young actress daw na parang nasira daw ang career dahil daw sa nose job nito? Hindi ko talaga ma gets. It is written today. Salamat. Ang nasa isip ko si Kris Bernal. Sino kaya ito.

  3. sa showbiz at kahit sa iba,,,WE CANT PLEASE ALL PIPOL,,MAYBE,,WE CANT CHOOSE PIPOL BUT WE CAN CHOOSE R FRENS..LALO NA SA SHOWBIZ..MAHIRAP NA E,,NA IBIGAY ANG TRUST,.TAMA LANG,,AT TRESURE YUNG MGA SINCERE NA TAO SAYO,,YUNG MGA POSITIVE AT GUD INFLUENCE NA TAO,,,yan ang kelangan natin,,,nakakatulong sapagkatao,mo,,medyo may lamat na frenship ni heart at raymond,,pero ang magand anagkapatawaran na,,bilang christian,,,for pleasing wat its ryt sa mata ng dyos,,tutal,,cheap isyu lang iyon,,na pinalaki,,diba,,moving on,,mag trabaho at maging mabuting tao na,,yun lang naman e..
    about rox-,.sana magbalik showbiz na sya wid KRISTIN HERMOSA,,diba,,miss ko face nila,,swerte ni elton,,we will kill elton if sasaktan nya si rox,,shes a jewel,,hehehe

  4. hay nako,,dapat lang,magkabati na lahat,,wag nega at immatured,,ok,,life must goes on,,kase parang di na pinapansin ni heart ang mga nega sa life nya kaya nga keber sya,,,lalo na now,shes into god,,parang gusto ni heart,,lahat ok na,,maayos at tahimik,,lalo na,,si DANIEL MATSUNAGA ay mabuting tao sa kanya,gud influence at pareho silang maka dyos ,..so,,more blessings kay hearty,,,love sya ng tao kahit hindi sya love ni anabel,,whose anabel!!!waahhahhhhhhhhang tao ang boss at magpapasya…noh,,

  5. wqahahhaaaaaaaaaa,..watch nyo ang ilang clips ng kasal ni ROX,,AT ELTON YAP,,sa u tube at tv series craze.com…makikita nyo dun sino sino umatend,,,wag kayong nega,,,,saka ,,bago payan,,sabi ni rox,,,ths wedding its a private na kasal lang,,,para sa mga taong super close at hindi showbiz kase di naman showbiz ang asawa ni rox,,simple at mahiyain o pribadong tao si elton at ang pamilya nya,,,kaya walang masyadong showbiz,,mas probado ang ksal ni KRISTIN HEMOSA AT OYO SOTTO,,iilan lang naka attend at may clips…anyway,,CONGRATS ROX,,,AT ELTON..

    • nagkataon lang na ganyan ang expression niya sa picture na iyan….or sa iba pang mga larawan. Sa interview naman an makikita mo how happy at blooming ang aura niya.

  6. Bakit hindi na mention na nag attend sina Valerie at Pokwang, di ba kasama silang nag host sa Wowowee? Baka hindi sya close sa kanila.

  7. Ang sabi ni Boy Abunda sa SNN, ang ganda raw nang kasal. Andoon raw sina Mariel at Charlene. Nakakaawa naman ang balitang ito na puro kasinungalingan. Hindi naman siguro mawawala ang mga abay na walang advance notice.

Leave a Reply

Your email address will not be published.