Kasabwat sa Kawit Massacre, Positibo sa Droga

NAGPOSITIBO RIN sa paggamit ng ipinagbabawal na droga ang itinuturong kasabwat sa naganap na shooting rampage na ikinasawi ng pitong katao at ikinasugat ng 11 iba pa sa Kawit, Cavite noong nakaraang linggo.

Sinabi ni deputy provincial director S/Supt. Dionisio Borromeo na base sa resulta ng isinagawang drug test sa suspek na si John Paul Lopez, maliban sa alkohol ay positibo rin ito sa paggamit ng Shabu.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, simula noong Huwebes, nag-iinuman na ang gunman na si Ronald Bae at si Lopez.

Si Lopez pa umano ang nagbibigay ng bala kay Bae habang walang habas na binabaril nito ang mga kapit-bahay.

Samantala, iginiit naman ng suspek na tinakot siya ni Bae na babarilin kung hindi siya sasama kaya’t napilitan siyang tumulong habang isinasagawa ang nasabing krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.