Kasabwat ang ina Binata, 4-Araw Kinulong At Ni-Rape Ang Nobya

MAGKASAMA SA KULUNGAN ANG isang binata at nanay nito matapos ireklamo ng panghahalay ng nobya ng una sa Malabon City.

Nahaharap sa kasong statutory rape si Jeffrey Gadaingan, 20; habang nahaharap sa kasong illegal detention ang ina nitong si Mercy Gadaingan kapwa ng Herrera St., Ibaba ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang edad 13, ng Tanza, Navotas, alas-5 ng hapon noong March 19, 2011, sinundo siya ng suspek ay inaaya sa kanilang bahay dahil birthday umano ng pamangkin.

Nagtiwala naman ang biktima at sumama ito subalit nakipag-inuman ang suspek at sinabihan ang dalagita na kinabukasan na siya ihahatid.

Walang nagawa ang biktima at umakyat na lang sa bahay at nakatulog subalit nagising nang maramdaman ang nobyo na nasa tabi at sinisimulan siyang halayin.

Nangako ang suspek na hindi papabayaan ang biktima na muling nagtiwala hanggang sa may mangyari.

Kinabukasan ay uuwi na ang dalagita subalit pinigilan naman ito ni Mercy na may hawak na aso na naging dahilan upang hindi matuloy ang biktima.

Tumagal ng apat na araw ang biktima at pauli-ulit na may nangyari sa kanila ng nobyo at panglimang araw ay nakumbinsi ng dalagita na ihatid na ni Jeffrey.

Bago sumapit sa bahay ng dalagita ay sinabihan niya ang nobyo na siyang magpaliwang sa kanilang magulang subalit sinagot siya ng suspek na “huwag mo nang dagdagan ang problema” bago umalis at hindi na nagpakita na naging dahilan upang magsampa ng reklamo ang dalagita at ipadakip ang mag-ina.   (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.