Karylle at Yael Yuzon, sa Europe ang honeymoon

Karylle-Yael-YuzonKARYLLE AND Yael Yuzon tied the knot at the San Antonio de Padua Church in Silang, Cavite last March 21. Pero hindi tulad ng ibang showbiz weddings, mas pinili ng dalawa ang isang simpleng seremonya na dinaluhan ng kanilang mga kapamilya at malalapit na kaibigan.

Karylle looked resplendent in her wedding gown created by Francis Libiran. She was a picture of a happy bride while walking down the aisle with her parents Zsa Zsa Padilla and Dr. Modesto Tatlonghari. Hindi mapigilan ni Yael na maging emosyonal habang hinihintay ang kanyang beautiful bride.

Nagsimula ang love story nina Karylle at Yael nang magkakilala sila sa Eraserheads reunion concert noong 2009. Nasundan ang pagkikita nilang ito sa Twitter. Muling nagkrus ang kanilang mga landas when they met at the Myx Music Awards. Naging saksi dito si Billy Crawford na kaibigan ni Yael at co-host ni Karylle sa It’s Showtime.

The two singers became good friends na napadalas ang komunikasyon through text messages and calls sa cellphone. Karylle admitted that she had second thoughts na pumayag sa imbitasyon ni Yael na makipagdate. Pero naging maganda ang kinalabasan ng kanilang first date dahil nasundan pa ito ng mas marami pang dates na naging daan para mas lumalim ang kanilang pagsasamahan.

In a previous interview, Karylle described Yael as “very passionate. Mabait. Kung ano iyong nagkulang sa sarili ko, iyon ang nagustuhan ko sa kanya. Kahit hindi ako masyadong madaldal, nalalabas niya iyong pagkadaldal ko. Nakikinig siya sa mga kuwento ko.”

They became an official couple in 2010 pero pansamantala muna nila itong itinago sa publiko. Noong nakaraang taon ay mas naging bukas na sila sa kanilang relasyon. Nang dumating ang kanilang 3rd anniversary, Yael decided that it was the right time to propose to Karylle. Naganap daw ang marriage proposal sa loob ng sasakyan. Meaningful daw ito dahil dito rin naganap ang kanilang first kiss. Itinago muna nila ang marriage plan hanggang November last year, isang source ang mismong nagkumpirma tungkol dito sa Buzz ng Bayan. However, Karylle vehemently denied nang kumpirmahin ito sa kanya. Tinuldukan ni Karylle ang guessing game when she announced her engagement to Yael on It’s Showtime last February 8.

Star-studded ang kanilang wedding. Among the principal sponsors were Kris Aquino, Gary Valenciano, Kim Atienza, Robin Padilla, Lorna Tolentino, Ryan Cayabyab, and Jose Mari Chan. Kabilang sa mga secondary sponsors sina Donna Cruz and her husband Yong Larrazabal na pinsan ni Yael. Anne Curtis was part of the entourage. Isa sa bridesmaids si Iza Calzado na best friend ni Karylle samantalang ang mga kapatid na sina Zia at Nicole Quizon naman ang tumayong maids of honor. Isa sa dalawang best men ni Yael ay si Paolo Valenciano. Siyempre hindi mawawala sa espesyal na okasyon ang It’s Showtime family ni Karylle.

The reception was held at the Angelfields Nature Sanctuary. Isa sa mga highlights ng kasiyahan ay ang pagsayaw nina Karylle at mga bisita ng kantang Kapag Tumibok ang Puso ni Donna Cruz. Idinaan sa rap ng newlyweds ang kanilang pagpapasalamat sa mga bisita.

Last Saturday ay nagkaroon ng picnic party ang bagong kasal na dinaluhan ng kanilang family and friends. Nakatakda ang honeymoon nina Karylle at Yael sa Europe next month. They plan to watch in London the concert of Eraserheads kung saan una silang nagkakilala.

To Karylle and Yael, best wishes!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.