Karylle replaces Marian as Blue Water Day Spa endorser

Reggee’s Digest
by Reggee Bonoan

GUSTONG ITUWID NI Baron Geisler ang nasulat sa isang broadsheet na sinabi raw niya sa isang interview na ready na siyang magpa-rehab, masyado raw deragotory at damaging on his part ang terminong isinulat sa kanya.

Ayon sa official statement ni Baron na ipinadala sa amin ng Star Magic publicity director na si Rikka Dylim, “This is regarding the article that came out in the Philippine Daily Inquirer, March 4, 2009, written by Marinel Cruz entitled “Baron gets ready for rehab.” Baron says that he was misquoted because according to him, he never said anything about “rehab.” What he said was he will meet up with his spiritual adviser again for counseling. He thinks that “rehab” is very derogatory and damaging.”

At nu’ng huling makausap namin ang premyadong aktor, ipinagdiinan niyang seldom na lang siya kung uminom kapag gusto niyang magpaantok, dahil nga sunud-sunod ang raket niya ngayon kaya paano siya maglalasing.

Naging lesson learned daw sa kanya ‘yung nawalan siya ng project sa TV5 dahil nga uminom siya at nakatulog na.

Well, bakit nga ba kasi kapag si Baron ang nagsasalitang hindi na siya naglalasing o maglalasing, hindi kapani-paniwala? Anong klaseng pang-unawa ba ang gusto o puwedeng ibigay sa aktor na ito?

HANGGANG MAY 2009 na lang pala ang kontrata ni Marian Rivera sa Blue Water Spa bilang endorser kasama si Piolo Pascual. Kaya pala as early as February, binaklas na ang billboard ni Marian sa Blue Water Spa sa may tapat ng ABS-CBN dahil magpapalit na sila ng endorser at ang bago ay si Karylle.

Say ng source namin, “Almost 80% na go na si Karylle, nagkausap na po ‘yung taga-Stages at ‘yung taga-Blue Water Spa, hinihintay na lang ‘yung kontrata kasi pina-review po yata sa lawyer, wala na pong problema.”

At kung okey na, sa June raw ang malaking launching ni Karylle kasama si Piolo na balitang ni-renew, at kabubukas lang last February sa Capitol branch.

Samantala, kinulit namin ang source namin kung bakit sa dinami-rami ng aktres, eh, si Karylle ang kinuhang kapalit? Alam namang may isyu sila ni Marian dahil kay Dingdong Dantes.

“Nag-survey po at lumalabas na maraming may gusto kay Karylle at timing naman dahil marami siyang projects now sa ABS-CBN plus malapit din ‘yung isang branch sa ABS, so malaking factor din po ‘yun na both talent ng ABS ang endorser ng Blue Water Spa,” paliwanag sa amin.

Naging fair naman ang aming source, wala silang sinabing negative kay Marian. ‘’Yun nga lang, hindi kami sinagot kung bakit hindi na siya ni-renew pa.

KASALUKUYANG HUMAHAKOT NG pera ang pelikulang You Changed My Life movie nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo plus Rayver Cruz bilang ka-love triangle, at aminin man o hindi ito ng taga-showbiz, malaking tulong ang loyalistang fans nang dalawa. Idagdag din ang fans ng Rayver at Sarah na napupuno na rin ang inbox namin ng e-mail ng kung anik-anik nilang hinaing tungkol sa ina ng singer/actress.

Heto ang isa sa e-mail sa amin: “Hello po, gusto lang po naming malaman kung galit po ba si Mommy Divine kina John Lloyd at Rayver? Kasi po, marami kaming nababasang hindi pinapansin ng Mommy ni Sarah sina John Lloyd at Rayver.

“Sa shooting po ng YCML, e, hindi nga po pinapansin ng mommy ni Sarah si John Lloyd at ‘yung planong bigyan si Sarah ng bulaklak nu’ng Valentine’s Day ni Rayver, e, hindi na po natuloy kasi nakabantay po ang mommy ni Sarah.

“Alam po namin ‘yun kasi nakita namin ‘yung mga bulaklak sa kotse ni Rayver, hindi niya naibigay, sayang naman.”

At nu’ng Linggo (March 1) raw, may production number daw sina Rayver at Sarah sa ASAP. Kinikilig daw ang fans na nasa studio. Pati nga raw ibang staff, gayundin, pero hindi raw makakanta nang maayos ang aktres dahil nakabantay raw si Mommy Divine sa gilid ng stage at nakatitig sa anak na tila may ibig sabihin.

May tinawagan kaming taga-ASAP tungkol sa isyung ito at ang paliwanag sa amin, “E, parati namang nasa gilid ng stage si Tita (mommy ng aktres) everytime na may production number si Sarah, wala na pong bago ro’n. Sana huwag na nilang bigyan ng malisya ‘yung nakikita nila kay Tita kasi normal talaga iyon sa isang ina.”

Well, simple lang ‘yan, mababaw ang kaligayahan ng supporters nina Sarah, John Lloyd o Rayver o sinumang artista. Bakit hindi naman kasi pagbigyan ang kanilang mga kahilingan na makitang sweety-sweety ang idolo nila sa harap nila, e, ‘di pag nakatalikod na, saka back to normal.

Alalahanin din sana ng mga artista na kung hindi dahil sa mga supporters nila, hindi sila sisikat.

loading...

4 thoughts on “Karylle replaces Marian as Blue Water Day Spa endorser

  1. Nagsimula si karylle sa showbiz na hindi na-drag ang pangalan ng mom nya and for that she’s awesome. si marianne p wala pang napapatunayan, come to think of it yung dalawang teleseryeng nag-click nya sa GMA ay may pangalan na, and then what? Ang babaeng hinugot sa aking puson? anong nangyari dun, nag-hit pa ba? Si Karylle kahit saan pumupunta may dalang good charms, when she joined GMA nagsimulang mag-no. 1 ang GMA, sila nina Angel Locsin, Richard Guttierez at Jolina Magdangal ang mga lucky charms ng GMA, now with ABS, ayun look where is ABS now, nagsisimula na namang mamamayagpag ang mga shows nila, at sino ang mga nandun di ba si Angel at si Karylle na naman..need we say more?

  2. your right umpisa lang yang exposure ni Karylle and sooner wala na yan and thanks sa Mommy Zsa zsa mo Karyle.

  3. Thank DD and MR K., nagka career ka pero panandalian lang yan. Sorry, pero wala kasing ka appeal-appeal itong si K. There so much better actresses in ABS, she’s lucky to have Zsa-zsa for a Mom.

Leave a Reply

Your email address will not be published.