Karylle, panatag sa pagkakaroon ni Zsa Zsa Padilla ng BF

Karylle-Zsa-Zsa-PadillaMALAKI ANG naging tulong ng showbiz para mas lalong magkalapit ang mag-inang Zsa Zsa Padilla at Karylle. Produkto nga kasi si Karylle ng broken family, at ayaw rin ng Divine Diva na laging mapag-uusapan ang kanyang anak, lalo na nu’ng mga panahong kontrobersiyal pa ang relasyon nila ng yumaong Comedy King na si Mang Dolphy. Pero nang mag-showbiz na ang wife ni Yael Yuzon, lalong naging madalas ang kanilang pagsasama, kaya nakabawi sila sa mga panahong hindi sila madalas magkita.

Naikasal na nga si Karylle kay Yael at ine-enjoy na nila ngayon ang pagsisimulang pagbuo ng sarili nilang pamilya.  Habang iba na ang sitwasyon ng buhay ngayon ni Karylle, medyo napapanatag na ang kanyang kalooban, dahil alam niyang mayroong bagong inspirasyon ngayon ang kanyang Mommy Zsa-Zsa.

“Mas okey na ‘yung ganito, kesa naman ‘yung alam ko dati na pagkatapos mamatay ni Tito Dolphy ay sobang malungkot ang mommy ko,” wika ng magandang singer.

Nasa tamang panahon na rin naman ang pagpapakasal ni Karylle kay Yael, dahil wala na rin naman siyang dapat pang patunayan sa showbiz. Naipakita na niya ang kanyang kahusayan bilang singer, kahit sabihin pang hindi niya makakayang tapatan ang naging kasikatan ng kanyang Mommy. Kahanga-hanga rin naman ang kanyang husband, dahil nu’ng magkarelasyon pa lang sila ay talagang laging ipinaglalaban na ni Yael si Karylle sa mga nang-iintriga.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.