Karylle, nililigawan na ni Christian Bautista?!

SUCCESSFUL ANG CONCERT ni Christian Bautista na Romance Revisited sa Music Museum last March 12. Sa opening number, nagpakitang-gilas ang teen heartthrob na si Sam Concepcion sa awitin niyang “Missed You.” Maganda ang timbre ng boses at mahusay siyang sumayaw. Member naman kasi ng Gigger Boys at A-Pop ang binatilyong ito. Ang kanyang self-titled album ay certified gold na! Kasama sa album niya ang mga hits na “Even If,” “I’ll Find Your Heart” at “Happy” under Universal Records.

Hindi lang awitin ni Jose Mari Chan ang inawit ng Asian Music Icon. Nag-acoustic din si Christian with Kate & Rey at bumanat din ng Pop Rock ang binata. Kumanta rin siya ng Tagalog songs na “Ngiti,” “Paano Na Kaya?” at “Ikaw Na Nga” ni Willie Revillame. Ginawa niyang medley songs ang awiting “Beer,” “Pasubali” at “Hanggang Kailan” na patok naman sa audience.

Nang kantahin ni Christian ang “I Left My Heart In San Francisco” at “New York, New York” biglang ipinakita sa video wall ang happy moments nila together ni Rachelle Ann Go sa San Francisco. Sabi nga niya, “The break-up is not that easy, you have to accept it kahit masakit! You have to move-on… I’m happy right now because we remain friends.”

Nagbigay rin ng tribute song si Christian kina former Pres. Cory Aquino at Ninoy Aquino. Habang kinakanta ni Chris ang awiting “I Have Fallen In Love” (With The Same Women Three Times) ipinakikita naman ang video clip ng mag-asawa nu’ng time na ikinasal sila.

Of course, ang pinakaaabangan ng lahat, ang duet nina Christian at Karylle. Nang umawit na ang dalawa, tilian ang mga fans. Pagpapakitang gusto nila si Karylle para sa kanilang idolo. Feel na feel nila ang isa’t isa habang inaawit ang love songs ni Jose Mari Chan. They are perfect together, may chemistry silang talaga!

Say nga ni Karylle, “Nand’yan si Christian during the break-up… he’s always there, a shoulder to cry on and I really enjoy singing with him.” May chance ba na maging kayo ni Christian? Tanong namin sa dalagang anak ni Zsa Zsa Padilla. “Let’s  see…” matipid na sabi ni Karylle.

After the show, nakiramdam kami kung ano pa ang susunod na magiging eksena nina Karylle at Christian. Nasa lobby ang dalaga with her friends, habang kami’y hinihintay ang Romantic Balladeer na nasa dressing room. Hindi nagtagal dumating si Christian, may dala-dala itong red roses para kay Karylle. Na-surprise ang singer-actress, nagbulungan ang dalawa at bigla silang nagtawanan. Pakiwari namin, may feeling sila towards each other dahil nangungusap ang kanilang mga mata.

Palibhasa wala nang gaanong tao sa paligid kaya nag-emote na si Christian kay Karylle. Nand’yang may paluhod-luhod pa siya habang ibinibigay ang red roses sa dalaga. Parang gusto niyang itanong kay Karylle, ‘Kailan mo ako sasagutin?’

Alam namin, ‘yun ang gustong sabihin ni Christian, super pakuwela pa rin ito sa harapan namin. Inamin ni Christian, hindi nawawala sa puso niya si Karylle at ganoon din naman ang dalaga. Hindi nila minamadali ang mga bagay-bagay dahil pareho silang galing sa isang relasyon. In God’s time, right timing, who knows?

Napag-alaman namin, Christian and Karylle will have a series of shows sa Europe this coming May. Magkakaroon sila ng time and privacy para sa isa’t isa. Anong malay natin, baka ito ang maging daan para ma-realize nila they really love each other, ‘di ba?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleParazzi Chikka: Aprilyn Gustilo: Ang Mukha sa Likod ni ‘Congratulations’
Next articleManny Pacquiao, wala nang dapat pang patunayan!

No posts to display