Karylle, naghihintay pa rin kay Mr. Right

FROM THE START, very vocal si Matteo Guidicelli na pangarap niyang makilala nang personal si Sarah Geronimo at makasama sa pelikula. Malaki kasi ang paghanga niya sa dalaga as a singer and an actress. Ngayon, balitang may pelikulang gagawin ang dalawa under Star Cinema at Viva Films kaya ganoon na lang ka-excited ang binata. “Sana matuloy po ‘yun, wish ko talagang makatrabaho si Sarah and to know her better,” excited na sabi ng guwapong aktor.

Obvious na kinikilig si Matteo kapag si Sarah ang sentro ng usapan. Hindi kaya ang paghanga niya sa Pop Princess ay mauwi sa panliligaw? “For now, hindi pa kami nagkikita… Hopefully sana magkita kami para makapag-usap. Marami ang nagsasabing napaka-down to earth ni Sarah kahit sikat na siya. Walang kayabang-yabang and I do really admire her a lot,” papuri sabi nito sa dalaga.

Kung matutuloy ang tambalan nina Matteo at Sarah, hindi maiiwasang maging malapit sila sa isa’t isa. Paano na ang panliligaw niya kay Andi Eigenmann? “Were friends, ini-enjoy po namin ‘yung friendship that we have right now, wala pa kami sa point na ‘yun. Si Andi, naka-concentrate sa career niya at ‘yun ang kanyang priority. Tita Jaclyn (Jose) is very nice and a very good person,” paliwanag ni Matteo.

Sa panonood namin ng Juicy nina Cristy Fermin, Alex Gonzaga, DJ Mo, at IC Mendoza, naging sentro ng kanilang usapan sina Matteo at Sarah. Binuko ni Alex si Sarah na matagal na pala niyang crush si Matteo.

“2007, nakasama ko si Sarah sa ‘Pangarap Na Bituin’ na siya ang bida. Sinabi niya sa akin na crush niya si Matteo Guidicelli dahil noong panahon na ‘yun, si Matteo ay sikat na nagka-car racing. Sabi niya, ‘hoy, crush ko si Matteo’ kaya lang after ng taping, sabi niya, ‘dinaldal mo ba?’ Kasi, ang daming reporters na nagtatanong kung crush ko raw si Matteo. Sabi ko sa kanila, ‘hindi ako ganu’n,” natatawang kuwento ni Alex.

KUNG KAILAN NAGING loveless si Karylle, lalong naging kaakit-akit ito sa paningin ng publiko. Hindi naging makulay ang friendship na mayroon sila ni Christian Bautista. Hanggang friends lang talaga ang kanilang relationship, ayon sa binata. Naging malapit din ang singer-actress kay Jericho Rosales na akala natin may pupuntahan ang pagiging too much closeness nila sa isa’t isa, pero bigo pa rin tayo. Wala pa talagang special someone ngayon sa buhay ng dalaga.

“Never in my life na ganito katagal na wala akong boyfriend. Marami akong nagiging kaibigan, naaasiko kong maigi ‘yung trabaho. Siguro, it’s just that time before I meet the guy na talagang okey na okey na boyfriend. Siguro naging mapili lang ako nang kaunti, marami akong nami-meet, marami akong nagagawa. Like we did the pictorial for the underwear the other day. Kung may boyfriend man ako, I’m sure away na ito. Wala naman akong ginagawang masama, there are something that’s easier to do… ‘yung mga work ‘pag single ka,” sey niya.

Kung sakaling magkaka-boyfriend si Karylle, hindi importante sa kanya kung taga-showiz or non-showbiz ito. “Hindi ko masabi, ayaw ko namang mag-ano… pare-pareho lang namang tao ‘yan. So, more on mabait ba siya? Maganda ba ang kalooban niya? ‘Yun na lang ang iniisip ko,” sambit ng dalaga.

Right now, ini-enjoy ni Karylle ang pagiging single, walang sagabal sa kanyang showbiz career. “May time ako with my friends if ever walang trabaho. Marami kang puwedeng gawin kapag wala kang boyfriend. Alam ko,

if ever he’s the one for me, kapag dumating na siya sa buhay ko. Mapi-feel mo naman sa sarili mo kung siya na nga talaga. Hindi pa lang siguro dumarating ‘yung Mr. Right for me kaya let’s wait and see.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

16 thoughts on “Karylle, naghihintay pa rin kay Mr. Right

  1. Agree! sobra akong bilib sa yo Karylle for waiting the right guy, look at Isabel Oli, hindi rin padalos dalos sa pag-boboyfriend, don’t worry nandyan lang sya sa tabi mo laging nakabantay sa yo…

  2. naku K… sobrang naseksihan talaga kami ng mga ka-officemates ko sa yo dun sa Bench Uncut, Gosh! napaOMG kami sa ganda ng katawan mo di hamak kang sexy kay Georgina Wilson, my goodness! ibang klase ka dun K

  3. naku K, sobrang naseksihan talaga kami ng mga ka-officemates ko sa yo dun sa Bench Uncut, Gosh! napaOMG kami sa ganda ng katawan mo di hamak kang sexy kay Georgina Wilson, my goodness! ibang klase ka dun K

  4. Good to hear that Kaye! na hindi ka nagmamadali at least waiting ka talaga for the right guy and not jumping from one guy to another or makikipaglive-in just to please the guy tapos after so many years maghihiwalay at lilipat na naman sa kandungan ng ibang lalaki para lang masabi na maganda at attractive sya, tsk tsk at least ikaw hindi MARUMING BABAE gaya ng ipinalit sa yo ni dingdong!!!

  5. pilingera ka Karylle ha! never in your life ba na wala kang bf na ganyan katagal? sows tlga mahihindutin ka kaya iniwan ka ni papa dong…pinalit ka kay Marian na mas wife material kasi ikaw brat at wlang alam sa buhay kung hindi umarte!!!! grow up K! hwg na palusot, di ka kasi kagandahan at ang dry dry mo pa at masyadong pilit !!!!

    • really have you ever seen karylle in person to judge her na hindi siya pretty in person, ang pagiging mahinhin in-born yan at hindi nya kasalanan kung pinalaki syang ganyan dahil “good school” sya eh..at hindi sya palengkera, by the way Karylle has a boyfriend before she entered showbiz yun nga lang pinili nya si tansong Dingdong …tsk tsk …bad choice Kaye but good for you, you learned your lesson the hard way kaya ikaw Hater magtayo kayo ng grupo ng idolo mong galing sa pusali…PWE!

  6. Naman..Neng..kalaban mu c matandarna..hinde kna babalikan ng x mu..move On..bka wula lng tlga nanliligaw xo..hinde ung hinde kpa ready mgboifrend..wula ka kcng appeal..hehe..

  7. masyado naman detalyado mag-explain c karylle sa pagiging masaya nya at single daw sya! sus ang plastik mo inday! no choice ka lang talaga at walang nagkakamaling manligaw sayo, pati sarili mo niloloko mo eh di ka naman bata! malapit ka na matanggal sa kalendaryo!

  8. gagamitin lang ni mateo si sarah para sumikat wag kang pauuto sarah

  9. feeling mo nman?!?mpili k p s lgay mong yan?!?sbi nga nla khit pusa nila dd ayaw syo…trying hard k msayado at s tv prang prati kang tulala in short prang tanga!

  10. neng pangit pakinggan na never in your life na ganyan ka nakatagal ng walng bf meaning malanturay ka

  11. pro in fairness maganda ka sa pic nato buti pa e maintain mo yan pra maydumating agad na mr right na hanap mo,huwag kang mag pa tan ksi d bagay sayo mukha ka tuloy na isa ka sa avatar cast

  12. kryll,wag kang maghintay sa mr right na kusang darating ilang taon kna ba?yang sinasabi mong maghintay eh sa idad lang yang na sali pa sa teens …na kryll.. baka mahuli ka sa byahi na wla kang reserve day bka yong ang dahilan na more ma depressive tayo alam ko ang felling mo kc babae din ako huwag aasa sa wla remember,sabi mo lang yan pro sa kaloob looban mo ay 30 na ako wala parin paano na to…yan ang totoo,pakitang tao kalang na 8s ok to b a single kasi marami kang maasikaso sa sarili mo thats a grt liar on ur part day lalong hindi ka maka forward march dyan….kya advise ko sayo maghapanap kanalang nga kapait ky dd wag aasa na balikan ka nya hindi na cya makipag sitting down sa u pra pag usapan ang lahat sori day…peace

  13. ay sus karylle! d pa kaibigan kaibigan ka pa arte mo neng sympre iba ang kaligayahan mo kung bumalik si dingdong dantes.

Leave a Reply

Your email address will not be published.