Karylle, na-trauma na sa pag-ibig?!

SA PANAYAM ng Paparazzi Showbiz Exposed kay Karylle noong Linggo, naitanong sa dalaga kung ano na nga ba ang real status nila ng rumored boyfriend nitong si Yael Yuzon. Matalinhaga pero halatang masaya siya sa piling ng Spongecola vocalist.

Aniya, “Siguro for me, kasi ‘di ba dati kapag nagtatanong kayo sumasagot ako? Lahat na, ‘yung buong buhay ko, binuklat ko na. So, from then on… siguro hindi naman ako naging madamot. Kasi lahat naman ng sinulat ko sa album ko, it’s my own… so, it’s my own composition, my own thoughts. So kung ano man ‘yung gusto kong i-share, I shared it na lang in music.”

Ang naturang album ay produced mismo ni Karylle na halos wala na raw natira sa savings niya. Pagdating naman sa pag-ibig, na-trauma na kaya siya?

“Hindi naman. Parang it’s a creative way of expressing yourself. Siguro, I’ll try this version of the truth.”

 

HANGGANG NGAYON, marami pa ring mga katanungan sa totoong dahilan sa pag-alis nina Beth Tamayo at nang kanyang asawang si Johnny Wong noong December 25, 2008. Maraming mga haka-haka at mga blind items noon ang nasulat na diumano ay nagkaroon ng problema ang dalawa sa usaping pinansiyal at ito raw ay dahil sa mga utang na hindi na nila kaya pang i-settle.

In an exclusive interview via Paparazzi Showbiz Exposed, hinarap na ni Beth ang mga isyu at isa-isa niya itong binigyang-linaw. Pauna ni Beth, “We were getting death threats na rin sa text messages so as fast as we could, we need to get a tickets tapos alis ka na. We made a decision na parang today, tapos bukas aalis na kami.

“Sinabi ko sa parents ko, sa brothers ko, even ‘yung sina Juday even at that time, I know gaano kasakit na aalis ka ng Pilipinas ng Pasko.” Si Judy Ann Santos ay bestfriend ni Beth.

“Wala, I was facing a blank wall, hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Wala talagang plano. Pag-alis ko ng Pilipinas, hiwalay na kami, hindi kami magkasama sa isang lugar. So, from Manila, he went straight to Canada, I went straight to L.A. Malungkot wala akong family rito, parang at that time parang masisiraan ako ng ulo. But then again prayers works.”

Ayon pa sa report ng Paparazzi Showbiz Exposed, hindi naging madali ang buhay ni Beth sa Amerika. Hindi naging madali ang kanyang pagsisimula sa bansang banyaga. Pero unti-unti raw natutunan ni Beth ang mamuhay ng simple, ang mamuhay ng normal.

May kinakatakutan kaya siya, kaya hanggang ngayon ay nanatili pa rin siya sa ibang bansa?

“Hindi naman ako natatakot, kasi unang-una wala naman akong ginawang masama. Nagkataon lang na tumulong lang ako sa asawa ko at that time at kahit naman sino, gagawin lang din naman ‘yung nararapat for their husband.”

Balitang ang naging problema nilang ito ng kanyang asawang Chinese businessman ang dahilan kung bakit may mga balitang naghiwalay na sila noon pa mang December 2008, apat na taon matapos ang kanilang engrandeng kasalan noong May 2004 sa Christ The King Church sa Quezon City.

Kumpirmado na ngang hiwalay na ang dalawa sa ngayon at inaayos na raw nila ang kanilang legal separation.

Sa huli, nagpaliwanag naman si Beth tungkol sa mga kumakalat noong balita na tungkol sa diumano’y isang Elizabeth Batain na binitay sa China dahil sa isang drug case. May mga nagsasabi kasi dating si Beth at ang nasabing OFW ay one and the same person.

Paglilinaw niya, “Siguro in time, baka po makapagkuwento ako mas detailed. I still want to go back home wala naman pong problema, buhay po ako hindi po ako ‘yung nabitay sa China.”

Marami nang markadong pagganap si Beth noon sa mga teleserye at sa mga pelikula. Isa rin siya sa may pinakamagandang mukha sa showbiz noong dekada ‘90. Pero, uuwi na ba siya sa bansang kinalakihan niya?

“Hopefully, I get to see everyone back in Manila. Malay n’yo po, not next year but this year (I’ll be) back home… see you guys…”

 

ERRATUM:  SA kolum ng inyong lingkod noong Lunes, January 9, 2011, naisulat namin na ang programa sa radio nina Kuya Jobert Sucaldito at Ahwel Paz sa DZMM ay mapapanood/ mapapa-kinggan na sa bago nitong timeslot na 10-11am. Pasensya na po, ito pala ay 10-11pm, sa gabi po pala.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

3 thoughts on “Karylle, na-trauma na sa pag-ibig?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.