Karylle, malungkot sa pagkamatay ng karakter sa soap!

Masayang-masaya ngayon si Karylle nang makakuwentuhan namin siya sa ginanap na Christmas special ng ABS-CBN sa Araneta Coliseum. Kinumusta namin ang kanyang buhay ngayong pinatay na ang character niyang si Denise sa teleseryeng Dahil May Isang Ikaw. Marami na ngang nahahakot na viewership ang naturang teleserye at kung kelan nasa “peak of it’s popularity” ito, doon naman pinatay ang karakter ni Karylle.

“Malungkot ako siyempre, pero kasi na-fulfill na ni Denise, ‘yung character ko sa soap, ‘yung kanyang pagkatao. Na-realize na niya ‘yung kamalian niya at naitama na niya ‘yung mga mali niyang nagawa in the past. So, ‘yun. Masaya ako at natutuwa akong napasama ako sa napakagandang project na ‘yun and I really learned a lot lalo na kay Tita Lorna. Sobrang ang dami kong natutunan sa kanya na babaunin ko sa mga susunod ko pang projects na gagawin.” Kuwento ni Karylle.

Ngayong marami na ulit oras si Karylle, may mga ibang bagay na siyang pinagtutuunan ng pansin. Gaya ng katatapos lang na charity event na kanyang ginawa sa Timezone Glorietta 4 noong December 2 kung saan nagdala siya ng mga bata para sa isang Christmas party. Inimbitahan pa ni Karylle ang iba pa niyang mga kaibigang artista pati ang dating mag-dyowang sina Gab Valenciano at Rachelle Ann Go. Balita kasing doon daw sa event na ‘yun nagkapansinan daw muli ang dalawa.

“Ganito kasi ‘yan. Naku, bakit ako ba ang nagkukuwento, hindi kasi, may mga batang naka-assign sa kanila and ‘yung mga kids nila, lumapit sa isa’t isa kaya nagkalapitan din sila. Ganoon lang siya.” Pagbabahagi ni Karylle.

Bukod sa kanyang charity event, ipalalabas na rin sa MMK ang kanyang episode kung saan gumanap siya bilang isang kabataang biktima ng isang magnanakaw na namaril. Ginampanan ni Karylle ang character ni Tara Santicines, ang babaeng binaril ng isang magnanakaw habang nakasakay sila sa jeep ng kanyang kaibigan. Napag-alaman namin kay Karylle at sa staff ng MMK na paborito pala talaga ni Tara at ng pamilya nila si Karylle kaya siya ang napiling gumanap. Mismong mga kaibigan ni Tara ang bumisita sa set ng MMK nang nagte-taping si Karylle. Ipalalabas na ito sa Sabado, at makakasama ni Karylle si Megan Young sa episode na ito.

Next year, nakalinya na rin ang mga sunod-sunod na concerts ni Karylle, dito at sa ibang bansa. Makakasama ni Karylle si Christian sa ilan nitong mga concerts. “Excited ako sa upcoming concerts ko, kasi after being an actress, I can now focus on what I love to do best – which is being a singer. I love to sing kaya concerts muna ako sa 2010.” Pagtatapos ni Karylle.

NAKU, SIMULA NA ng Simbang Gabi. Kaya naman sana lahat tayo ay maglaan ng panahon para makapagsimba at matapos ang 9 days na pagsi-Simbang Gabi. Sabi nga sa kasabihan, ‘pag natapos mo ang 9 days, matutupad daw ang iyong wish! O, ‘di ba? Ang saya saya!

loading...

9 thoughts on “Karylle, malungkot sa pagkamatay ng karakter sa soap!

  1. Congrats Kaye! DMII is one soap na talagang napa-arte ka ni Direk Gerry Sineneng, all of us here sa office agreed na isa ka sa main characters na nag-improve a lot when it comes to acting, I hope in your next project, another heavy drama naman, we will truly miss Denise Alferos, by the way we don’t watch it anymore, nawalan na rin kami ng gana kasi parang may kulang na pag wala si Denise…tsk tsk too bad!

  2. Hindi ko sya favorite, hindi ko rin naman sya hate. Pero ha, nagawa nilang paartehin tlga nang maayos ayos itong si Karylle. Konting workshop pa yan, baka marecognize na rin sya sa craft nya in the future.

    I think happy naman sya sa Dos.
    Maging happy na rin sana tayo =)

    And now, concerts abroad? How many concerts abroad was she able to do nun nasa 7 pa sya?

Leave a Reply

Your email address will not be published.