KARYLLE, GINAWAN NG KANTA SI YAEL YUZON

OBVIOUS NAMANG IN love si Karylle sa lead vocalist ng Spongecola na si Yael Yuzon, ayon sa malalapit na kaibigan ng dalawa. Maging ang utol nitong band member ng Pupil na si Yanny ay pinatotohanan ang balita.

September last year, naitsika na ni Kris Aquino na nakita niya ang isang singer-actress kasama ang boyfriend nito somewhere in Makati. Hindi man binanggit ng Horror Queen ang pangalan ni Karylle, mabilis na kumalat ang balita na si Yael ang madalas kasama ni Karylle. Madalas tuloy silang tuksuhin lalo na nu’ng time na nag-absent ang dalaga bilang judge sa Showtime at pinalitan siya ni Yael.

Nasanay na rin si Karylle na maging sentro ng tuksuhan ng kanyang mga kaibigan. Nakikita kasi na masaya siya ngayon sa bago niyang pag-ibig. Kapansin-pansin din na lalong gumaganda at sume-sexy ang dalagang anak ni Zsa Zsa Padilla nu’ng makausap namin ito sa ASAP.

Kahit walang diretsong pag-amin kina Karylle at Yael na sila na nga, walang dudang may mutual understanding na sila. Ayaw lang nilang pag-usapan o magkuwento tungkol sa kanilang relasyon. Eversince naman, never nagsalita ang dalaga tungkol sa kanyang lovelife. Gusto lang niyang maging pribado kung anumang relationship mayroon sila ni Yael.

Ayon kay Karylle, maganda na raw ‘yun, wala naman siyang itinatago, hindi nga lang siya makuwento lalo’t lovelife ang pag-uusapan. Parang boring daw kung ikukuwento mo lang, mas interesting kung daanin na lang niya sa kanta. Madalas nga sinasabi ni Karylle na ang kasagutan ay nasa bago niyang album na iri-release this year. Nakakaintriga, Maraming tsismis raw ang mapupulot natin. May ganu’n?

Napag-alaman namin na si Karylle mismo ang nag-compose ng ilang songs sa kanyang bagong album. Sa kantang      ‘I Found My Smile Again’, ipinadarama ang tunay na damdaman sa lalaking mahal niya. At ito’y dedicated to Yael. Masaya ang dalaga tuwing kasama niya ang lead vocalist. Sa lahat raw ng mga sumubok manligaw, ang binata ang mas nakakakilala sa kanya.

Tulad ni Karylle, laging umiiwas si Yael tuwing napag-uusapan or naitatanong ang tungkol sa kanila ng singer-actress. Hindi rin kasi ito masalita, pinoprotektahan din  niya ang girlfriend sa mga intriga. Kung ‘yung ibang nakarelasyon ni Karylle ay dini-deny siya, iba si Yael. Handa itong ipaglaban siya at panindigan sa lahat ng pagkakataon. So, kaya nasabi ni Karylle na very brave ang binata dahil hindi naman lahat ay gano’n.

Natutuwa kami dahil lalong gumaganda ang samahan nina Karylle at Yael. Magkasama ang dalawa nagbakasyon sa Palawan last Christmas. Romantiko pala ang rakista, isang romance novel ang ibinigay niya sa dalaga bilang Christmas gift na siya mismo ang nagsulat.

Hindi lang magaling na singer si Yael, English Literature graduate ito sa Ateneo De Manila University. Si Karylle ay nagtapos din ng kursong Management Technology sa nasabing unibersidad.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

3 thoughts on “KARYLLE, GINAWAN NG KANTA SI YAEL YUZON

  1. I’m happy for you Kaye, now you’re smiling again and I hope si Yael na talaga ang for lifetime mo, kung saan ka masaya, dun ako!

Leave a Reply

Your email address will not be published.