Karylle defended rumored boyfriend Yael Yuzon against other people

TODAY NA NGA ang alis nina Karylle at Christian Bautista papuntang Singapore kung saan mananatili sila ng higit-kumulang na apat na buwan para sa shooting ng musical series na The Kitchen Musical na pagbibidahan nila at ipapalabas sa October dito sa Pilipinas sa ABS-CBN at Singapore, at sa iba’t ibang mga bansa sa loob at labas ng Asia.

Pero bago tuluyang magpaalam sandali ang singer-actress, nakatsikahan muna namin ito nang ipakilala s’ya bilang karagdagang endorser ng Fruitas. Dahil sa kanyang bagong endorsement, naaalala raw n’ya ang pagkain n’ya ng iced candy na nginangata n’ya na gawa ng kanyang lola sa tatay n’ya nu’ng bata pa s’ya sa Sta. Rosa, Laguna.

Inamin sa amin ng panganay ni Zsa Zsa Padilla na hanggang palitan lang daw talaga ng “Hi!” ang nasabi n’ya sa dating karelasyon na si Dingdong Dantes nang magkasalubong sila sa backstage sa nakaraang Bench fashion show for the Philippine Fashion Week na pareho nilang ine-endorse. “Hi lang talaga. Walang kuwentuhan,” sagot ni Karylle.

Nagpapasalamat si Karylle sa kapwa Kapamilya star n’ya na si Jake Cuenca, dahil ito raw ang nag-break ng ice, ‘ika nga, sa pagitan ng dalawa para mawala ang ilangan nila ng kanyang ex-boyfriend bago rumampa sa stage. “Si Jake kasi niloloko kami,” dagdag pa ng singer-actress-TV host.

Hindi naman masagot ng dalaga kung paano ang magiging set-up o plano n’ya at ni Yael Yuzon, na alam ng halos lahat ng tao ay boyfriend na n’ya, habang nasa Singapore s’ya nang mahaba-habang panahon, dahil wala naman daw s’yang inaamin. Although, may naka-schedule naman daw na concert doon ang binata at ang banda nitong Spongecola.

Pinabulaanan ni Karylle na hindi umano gusto ng mga tao sa paligid n’ya si Yael para sa kanya.

Nalaman namin sa manager nila ni Christian, ang dating singer din na si Carlo Orosa, na flight steward daw si Yael, kaya malamang ay maaa-ring itong lumipad ng Singapore, kahit kailan n’ya gustuhin para madalaw si Karylle.

 

HININGI NAMIN ANG reaksyon ni Marian Rivera sa ibinalita sa amin ng kanyang co-star sa Tempatation Island na si Heart Evangelista na ang kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes daw ang magiging leading man ng huli sa susunod n’yang soap opera para sa Kapuso Network, bagay na hindi pa raw nasasabi ng huli sa una.

“Hindi ko pa alam. Wala pa namang sinasabi sa akin si Dong. So wala pang confirmation,” sey ng aktres.

Sinabi rin namin sa tinaguriang Primetime Queen ng GMA-7 na ayon kay Heart, wala naman daw s’yang dapat ipagselos kapag nagkatrabaho na ang dalawa. “Dapat lang, no!,” mabilis at pabirong sagot ni Marian sabay tingin sa ‘di kalayuan, kung saan nandoon pala si Heart kalambingan ang kanyang boyfriend na si Daniel Matsunaga na dinalaw ang dalaga sa shooting nito sa GMA-7 Studio 7 nu’ng Huwebes ng gabi, May 26.

Ibinalita na rin ni Dingdong sa ibang showbiz press na magkakatambal nga sila ni Heart for their next TV project, kaya malamang ay nasabi na rin ito ng aktor sa kanyang girlfriend na nu’ng huli ay sumang-ayon din na okey lang sa kanya kung magkakasama nga talaga ang dalawa sa isang proyekto.

 

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ, Monday-Friday, 11-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter: @francissimeon.
Franz 2 U
by Francis Simeon

Related Post

loading...

5 thoughts on “Karylle defended rumored boyfriend Yael Yuzon against other people

  1. Good choice ka kay Yael Kaye, he’s educated at galing sa magandang pamilya pa. Sana ma-save nina Heart Evangelista at Dingdong Dantes ang mga career nila na sumasadsad na!

  2. yael is an educated man and belongs to a good family better than dingdong dantes na hindi naman nakatapos ng pag-aaral, kaya good choice ka Kaye. International career, wow Kaye, galing mo talaga, multi-talented.

  3. I think Yael’s mom works at PAL so he gets free or reduced-cost travel benefits as perks from his mom.

  4. Sana ma2loy ang soap nina dingd0ng and heart..bgay clang dlawa at ang lakas ng chemistry nlng dlawa.,.

  5. DI BA YANG YAEL YUZON NA YAN ANG NAGSABI DATI NA “IF YOU DON’T WANT OUR MUSIC THEN MIGHT AS WELL DO YOUR OWN”?! CHEAP NMAN NI KARYLLE! WALA NA BA CYANG MATINONG LALAKE NA MAKITA?

Leave a Reply

Your email address will not be published.