Karylle can’t move on?

SA RECENT FASHION show ng bagong collection ng Human, Kashieca at BENCH, ang nag-modelo at rumampa sa entablado in a sexy outfit na si Karylle, ang inabangan ng press para makatsika sa backstage ng SMX sa MOA.

Siyempre, nandu’n pa rin ang tanong kung tuluyan na ba siyang naka-move on at nakalimutan na ang ex nitong si Dingdong Dantes.

Sabi ni Karylle, there are moments daw na when she asks herself that question, positibo naman ang nagiging sagot. Pero kapag naman daw nand’yan na kumbaga ang oportunidad eh, meron ding isang bahagi sa sarili niyang nagsasabing “No!” Hindi pa rin pala siya ready to fall in love again.

Patuloy pa rin silang pinagsasabong ni Marian Rivera, lalo na at siya ang kinuha para maging kapalit na endorser nito sa isang spa. Aware na raw si Karylle na ganoon nga ang mangyayari. And if there is one thing kung saan naihanda na niyang mabuti ang saril, ‘yun eh, ang patuloy na pagharap sa mga intrigang darating pa sa buhay niya.

Abangan natin kung kelan sila magpe-face-to-face!

SA BIRTHDAY PARTY naman ng katotong Lisa Endaya, kung saan dumalo ang sexy actress na si Rosanna Roces, hindi rin ito nakaligtas sa pag-uusisa ng media, lalo na sa isyu ngayong kinakaharap ni Hayden Kho at sangkot nga ang girlfriend nitong si Dra. Vicki Belo, pati na ang ex-manager ni Osang na si Lolit Solis.

Kumbaga, isang malaking ‘Beh! Buti nga sa inyo!’ ang inilarawan ng pag-make face ni Osang sa camera nang hingan sa magiging mensahe niya sa tatlo. At sinabi rin nitong she can forgive but she cannot forget.

As far as her former manager is concerned, mukhang malaki pa rin ang pader na nakalagay sa pagitan nila dahil ang buweltang tanong ni Osang nang banggitin ang pangalan nito eh, “Sino ‘yun?”

Para kay Osang, isang malaking karma nga lang daw ang dinaraanan ngayon ng mga taong involved sa nasabing isyu. Nanahimik na raw siya sa buhay niya at ini-enjoy na lang niya ang mga biyayang patuloy na ipinagkakaloob sa kanya ng Panginoon.

NGAYON NGANG MASASABING in hot waters dahil na rin sa pagkakasangkot ng pangalan niya sa isyu with Hayen Kho di Dra. Vicky Belo, mukhang nakakita naman ng pagkakatan ang kumbaga’y masasabing mga ‘kalaban’ niya in the beauty treatment business para lalo pang paigtingin ang pagpu-push sa kani-kanilang mga clinic at serbisyo.

Gaya ng nag-celebrate ng kanyang kaarawan recently na si Dr. John Cenica ng Jancen Cosmetic Surgery Skin and Varicose Vein Treatment Center na mga artista rin ang kinukuha para mag-endorso.

Nagpatawag lang ng isang salu-salo sa media ang butihing cosmetic surgeon para lang daw magpasalamat din sa naging tulong sa kanya ng media para sa kanyang klinika, na patuloy naman daw na dinarayo ng mga naging suki na nito for years.

NGAYONG GABI (JUNE 5) gaganapin ang Gary V: Back Home concert ni Mr. Pure Energy entitled “SINGkwenta: the concert series at the Bro. Rafael Donato Center for Performing Arts sa La Salle Greenhills. Ang second part ay sa June 8 and the proceeds of the events are for the benefit of One La Salle Schoarship Fund and Bahay Pag-Asa. Log on at www.mag24-7.com for more information.

The Pillar
by Pilar Mateo

Previous articleSex video ng sexy star with Hayden, napanood na ng tsikboy na mambabatas!
Next articleCesar Montano and Sunshine Cruz split-up because of third party?

No posts to display