Karylle, bantay-sarado kay Yael Yuzon sa Singapore!

TWO SATURDAYS AGO, September 3, nakita ng aming mga reliable source na magkasama sina Karylle at ang napapabalitang boyfriend nito na si Yael Yuzon na bokalista ng bandang Spongecola sa Universal Studios sa Singapore.

Naka-base pa rin hanggang ngayon sa Singapore si Karylle para sa TV series na ginagawa nito roon na Kitchen Musical kasama si Christian Bautista.

Ang pagkakaalam naman namin mula sa singer-TV host-actress noon ay may relatives daw sa nasabing bansa si Yael, kaya maaari rin itong bumisita sa kanya.

Marami raw kasama ang dalawa nang makita ng aming mga source sa nabanggit na theme park, kabilang ang half-sister ni K (palayaw ni Karylle) na si Zia Quizon, ang 18-year-old daughter ng kanyang inang si Zsa Zsa Padilla at King of Comedy Dolphy Quizon, na singer na rin ngayon.

May kasama diumanong Caucasian-looking guy si Zia na tila boyfriend nito, dahil magka-holding hands ang dalawa, at sabay pa raw na umuwi ng Manila nu’ng gabi ng September 6, Tuesday, via Tiger Airways.

Nu’ng September 5, Martes ng gabi, nakita muli ng aming mga source ang grupo nina Karylle, Yael at Zia sa Night Safari sa nasabing bansa pa rin.

Doon nakita ng aming mga impormante ang rumored boyfriend and girlfriend na umano’y magkayakap habang nag-uusap magkaharap.

 

MAGPE-PERFORM NAMAN DAW si Charice (Pempengco) sa 2011 Formula 1 event na gaganapin din sa Singapore sa Marina Bay Street Circuit either on September 23, 24 or 25.

Makakasama ni Charice ang ilan pang international artists, gaya nina Boy George, Rick Astley, Shaggy, Linkin Park at Shakira.

Makikita raw ang mga poster ng event sa mga MRT station ng Singapore, habang ang mga solo tarpauline na may larawan ng bawat artist, tulad ng kay Charice, ay nakasabit sa mga bawat puno at poste sa mga street, gaya sa Orchard Road.

Napansin din ng aming mga source ang poster ng Decades album ni Piolo Pascual with his photo na nakadikit sa wall sa labas ng isang bar doon na ang pangalan ay Decades. 

 

NALOKA KAMI SA butt exposure ni Jake Cuenca sa pelikulang My Neighbor’s Wife habang ang eksena ay nasa kuwarto sila ng kanyang asawa rito na si Carla Abellana na nakabihis naman at ng anak nilang batang lalaki.

Kapansin-pansin muli ang acting ni Carla, lalo na sa eksenang kinumpronta n’ya sina Jake at Lovi Poe sa harap ni Dennis Trillo, Dimples Romana at ng iba pa nilang kaibigan sa Bible study.

Hindi rin naman nagpahuli si Lovi sa pag-arte, gaya ni Jake, habang given na ang galing ni Dennis umarte sa TV man o sa pelikula.

 

MASUWERTE ANG BAGUHANG young actor na si Neil Coleta na unang sumikat bilang TV commercial model, dahil bukod sa 100 Days to Heaven na teleser-yeng kinabibilangan nito at sa bagong youth-oriented show na Growing Up, image model na rin siya ng BNY jeans and shirts kung saan kasama na n’ya bilang endorsers sina Martin del Rosario, Coleen Garcia, Joshua Dionisio at Barbie Forteza.

 
Franz 2 U
by Francis Simeon

Related Post

loading...

6 thoughts on “Karylle, bantay-sarado kay Yael Yuzon sa Singapore!

  1. Labo naman ng headline mo eh paanong bantay sarado yung maraming kasama sa lakaran, kasama pa ang kapatid & BF. Makapag-sensationalize ka lang.

  2. wala palang taste to si kryle. Wala namang kaitsu-itsura tong yael na to e. Kahit di ako maligo ng 1 buwan di hamak na mas guwapo pa ko sa yael na yan..

  3. kung sakaling maahas nga c yael mula kay karylle, eh ibig lang sabihin nun boring c karylle kasi lagi sya iniiwanan ng lalaki – choice ng lalaki yun kung papalitan ka dahil kung satisfied sya sayo, di ka nya iiwanan kahit may magtangka pa umagaw! sus naman!

Leave a Reply

Your email address will not be published.