Karylle, balik-teleserye!

Karylle is back on the small screen via ABS-CBN’s afternoon series Magkano Ang Iyong Dangal. She plays Tania, the environmentalist who will have a significant role in the lives of the series’ lead characters Nilo (Sid Lucero), Carmela (Bangs Garcia) and Troy (Rayver Cruz).

Huli siyang napanood sa teleseryeng Dahil May Isang Ikaw bilang si Denise Alferos, ang anak nina Gabby Concepcion at Chin-Chin Gutierrez, who had an unrequited love with Jericho Rosales na in-love naman kay Kristine Hermosa, Karylle’s adopted sister.

Natutuwa raw si Karylle na bahagi siya ng Magkano Ang Iyong Dangal. Incidentally, her mom, the beautiful Zsa Zsa Padilla, starred in a Seiko Films movie with the same title in 1989 together with Christopher de Leon, Joel Torre, Jestoni Alarcon and Princess Punzalan.

Medyo nag-concentrate muna raw si Karylle sa kanyang singing career. “Masaya ako sa pagkanta pero deep down talagang nami-miss ko iyong pag-arte,” she said in an interview with abs-cbnNEWS.com.

Karylle is happy to be working again with Sid Lucero. “Natutuwa rin ako dahil ang cute-cute ni Sid. Tawag siya nang tawag na sobra siyang excited at na-feel ko talagang welcome ako sa show kaya lalong nagkakagana,” she said.

Pero hindi dapat bigyan ng ibang kulay ang pahayag na ito ni Karylle. Close lang talaga sina Karylle at Sid because they have previously starred together in the weekly series Komiks Presents: Mars Ravelo’s Nasaan Ka Maruja and in the primetime teleserye Dahil May Isang Ikaw. Kumbaga ay naging komportable na sina Karylle at Sid sa isa’t isa dahil matagal na silang magkatrabaho.

Kuwento pa ni Karylle, pagdating daw niya sa set ng teleserye ay ang kulit-kulit ni Sid. Kinuha pa nito ang gitara at kinantahan siya kaagad.

Maraming twists and turns ang isang istorya sa telebisyon. Minsan nakakakilig, minsan naman ay nakakahilo ang love story pero sa bandang huli ay magugulat ka na lang dahil hindi naman pala magkakatuluyan ang mga bida. Ano nga ba ang magiging papel ni Tania sa buhay nina Nilo at Carmela? Malay natin, kung noon ay marami sa mga viewers ng Dahil May Isang Ikaw ang nag-akalang magkakatuluyan sina Denise at Red ay rito na sa Magkano ang Iyong Dangal matutupad lahat ng ito?

Karylle grew up as a fine young lady at masaya ako dahil tuluy-tuloy ang mga tagumpay na dumarating sa kanyang buhay.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

6 thoughts on “Karylle, balik-teleserye!

    • ikaw, anong mukha mo? mukhang patay na kuko sa probinsya? at ang boses mo? boses kiking di nahuhugasan? bwa hahahaha. katawa naman ang kumag na ito, ang yabang!

  1. ang ganda ni karyl labas at loob maganda ang kalooban at smart class…hindi kagaya ng mang aagaw na marian na maganda ng sa labas pero bulok ang loob.sa totoo lang.

    • Yup! at least si karylle ay talagang graduate ng ateneo di tulad ng ibang artista na graduate raw ng exclusive schools pero simpleng english lang eh di makasalita at kailangan pang kumuha ng speech lesson, lol!

Leave a Reply

Your email address will not be published.