Karylle, aminadong may manliligaw na non-showbuiz guy! – Ruben Marasigan

KAY DAIANA MENESES ngayon nali-link si Shivaker aka Sam YG.  Pero bago ito, si Karylle ang unang napapabalitang karelasyon daw nito. Natawa naman ang dalagang anak ni Zsa Zsa Padilla nang mausisa namin siya tungkol dito last time na mapasyal kami sa live airing ng ASAP.

“Kasi naging friend ko ‘yung people from the station (isang FM station kung saan DJ din si Shivaker). And siguro iyon lang ang dahilan. Wala naman talaga between us.”

Pero inamin ni Shivaker na there was a time na they go out and sometimes they even watch a movie together?

“Kasi minsan lumalabas nga kami dati. Dati pa iyon. Nagkakasama talaga kami. Pero hindi naman ano… wala namang dapat na ikaintriga ro’n. Hindi dapat lagyan ng ibang kulay.

“Kasi marami kaming magkakasama.  At saka… ni hindi naman siya nanligaw sa akin. There’s nothing talaga. Parang ano lang, barkada.”

Ngayon, kay Daiana Menezes naman natsi-tsismis si Shivaker. Kahit idini-deny nila, marami pa rin ang nagdududa na baka nga totoo ang tsismis na mag-on nga raw ang dalawa.

“Ewan ko. Hindi ko na kasi siya (Shivaker) nakakausap masyado. Kasi I’m very busy sa ngayon. Basta hindi lang naman ako sa kanya naging close. Actually, close ako sa marami sa kanila (na DJ’s ng isang FM station). Talagang lahat sila actually. Kahit ‘yong mga boss pa nila.

“Kasi I actually had three projects with them. One was last year, around January. The second which is for my birthday was March. Third ay no’ng Christmas, ‘yong charity project namin. And the fourth is nitong January 2010.”

Marami ang nagtataka, ano raw ba ang reason at parang deadma siya when it comes to suitors sa ngayon?

“Uhm… siguro naging very busy ako with work. Kasi after we finished Dahil May Isang Ikaw, sobrang na-missed ko ‘yong pagkanta. And during the run of the soap, marami akong na-hindian na concert abroad. Na iyon ang talagang aking inaasam na magkaroon ako. Na gusto kong mag-perform all over the world.

“So sabi ko talaga, after the soap finishes, I’m gonna focus on  my singing. So this January, my band, nagku-concert kami. We jush finished in Tagaytay and Cebu. Ikot kami nang ikot. Nakadalawang Cebu na nga kami, eh. Tapos, Aklan.  Kung saan-saan kami nagku-concert ngayon.”

Nagkakabiruan ngayon. Noon, si Karylle daw ang halos maloko dahil sa panloloko nitong si Dingdong. Ngayon ay si Marian naman daw ang tila napa-praning-praning at takot na may mang-ahas sa aktor from her. Kaya nga raw lumala nang lumala ang iringan sa pagitan nito at ng naka-partner ng binata na si Rhian Ramos.

Hindi nga mawala-wala ang tsismis na laging tawag nang tawag raw itong si Marian kay Dingdong checking kung nasaan ito at anong ginagawa. Takot nga raw kasi ang aktres na may makasalisi at manulot sa boyfriend nito.

May comment bang masasabi si Karylle hinggil dito?

“Ewan ko. Wala na po ako… labas na po ako d’yan.”

She’s been in that situation, puwede ba niyang masabi iyon?

“Hindi naman. Wala na po. It’s… I’m outside the picture na so, hindi ko na po kailangang magsalita tungkol do’n.”

Kung sabagay, mukha naman siyang happy sa buhay niya ngayon. Marami nga ba siyang suitors?

“Meron. Sabi ko, maghintay na lang siya. Uhm… hindi siya showbiz.”

This time, she prefer a non-showbiz guy ba bilang next boyfriend niya? Si Jericho Rosales nga pala, nakita naming bitbit ang gamit ni Karylle habang kasabay niya papuntang dressing room. At masuyo pa siyang nag-kiss sa aktor pagkahatid sa kanya nito. Hindi lang pala sila close kundi sweet sa isa’t isa?

“Close kami as friends lang. Kasi, ‘di ba, nagkasama na kami sa trabaho?”

Pero di ba dati. Ilang beses nang nasabi ni Jericho na crush siya nito?

“Pero friends lang po kami. Ewan ko ba kasi walang namang naniniwala kahit no’ng dati pa. Pero iyon naman talaga, magkaibigan kami. And… no, never siyang nag-attempt manligaw. Tingin ko, for him, kaibigan din lang ang tingin niya sa akin. Kaya huwag n’yo na kaming i-link,” pabiro pang hirit ni Karylle.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

12 thoughts on “Karylle, aminadong may manliligaw na non-showbuiz guy! – Ruben Marasigan

  1. Tama yan Kaye, mag-antay sa tamang panahon, hindi yung ora-orada eh magpalit ng magpalit ng boyfriend para lang maka-moveone, at lease hindi ka junping from one guy to another just to hook up.

  2. i hate malalanding babae,kau if taken na ung tao kahit na ligawan pa kau wag nyu ng papatulan,npaka daming lalaki s mundo.respeto nlang

    • d dpat pala maging bitter din c toni kay karylle…o mas sabihing dapat magalit c toni bcoz nung time na cla pa (toni and dong) inagaw din to ni karylle mo
      at ang msaklap pa dey r bff (toni and karylle mo)
      kaya nung time na interview w/toni kung cno sa2gipin dba sabi nya c marian
      girl…medyo inggit klng ata sa beauty ni marian eh?!

  3. @ruperto pakialam mo kung mag smile lang xa buhay ni karylle yan wag mong pakialaman.eh kung kmi nga mang agaw ng boyfrend etong c marianita wla kming pakialam

  4. ruperto… panget banam ng panglan mo ,,,,, bakit ka ba galit kay karylle ha… siguro kailangan maligo ka at palitan mo name mo,,, pusali ha ha ha ha ha RUPERTO BWAHAHAHAHAHAHAHA

  5. dpt lng kc obvious n bitter k prin grl… sbi nla classy k at matalino den do d ryt thing.. wg ung pg tinnong k ni boy abunda e smile k lng at thimik.. anu b yn.. say smting ok.. kung dmo alm den tel dem d mo alm db… simpleng tanung d mo msgot.. common….

Leave a Reply

Your email address will not be published.