Karpintero, Patay sa Pinsan na Mason

TODAS ANG karpintero matapos saksakin ng pinsan na mason habang ang una ay nakikipag-inuman sa ginagawang building sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Navotas Lying-In Clinic sanhi ng saksak sa katawan si Aldrin Moaje, nasa hustong gulang at stay-in sa Tenament Building sa Kadiwa St., San Roque ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Samuel Moaje, nasa hustong gulang at stay-in sa nasabing gusali.

Batay sa ulat, alas-8 ng gabi, nakikipag-inuman ang biktima sa ilang kasamahan sa loob ng nabanggit na gusali nang lapitan ng suspek at kumprontahin.

Nagbunot ng patalim ang suspek at tinarakan ang biktima na naging dahilan upang dalhin sa nasabing pagamutan habang tumakas naman si Samuel.

Inaalam na ng mga pulis ang pinagtalunan ng magpinsan. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.