Karpintero, Nakuryente Habang Nagkukumpuni, Patay

PATAY ANG ISANG 43-anyos na karpintero nang aksidenteng masagi nito ang high tension live wire habang nagkukumpuni ng bubong at mahulog mula sa ikatlong palapag ng bahay na kanyang ginagawa kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

Dead-on-arrival nang idating sa Manila Central University Hospital ang biktimang si Danilo Demetrillo y Alvarez, ng Block 38, Lot 11, Dagat-dagatan, Caloocan City.

Sa ulat, dakong alas-8 ng umaga, kinukumpuni ni Demetrillo ang isang bahay sa Baltazar Bukid, Caloocan City nang aksidenteng mahawakan nito ang high tension live wire.

Dito, mula sa ikatlong palapag ng bahay ay nahulog ito. Agad namang dinala sa nasabing pagamutan ang biktima subalit hindi rin umabot nang buhay.    (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.