KARNE NAPAGKAMALANG BOMBA

NAGDULOT NG MATIN-DING takot ang isang karton ng karne na hinihinalang “botcha” na naiwan sa palengke sa Isulan, Sultan Kudarat.

Ayon kay Insp. Roger Nicolas, chief of police ng Isulan PNP, unang nakatanggap sila na may kartong naglalaman ng bomba kaya naman agad silang rumesponde sa Public Market sa nasabing bayan.

Gayunman, inamin ng mga otoridad na na-wow mali sila dahil karne lamang ang laman ng nasabing karton.

Sinabi ng mga nakasaksi na isang driver ng van ang nakaiwan ng karton.

Kasunod nito, umapela si Nicolas sa mga residente na maging vigilante o maging mapagmasid at agad na i-report sa kanilang tanggapan ang mga kahinahinalang bagay o mga tao sa paligid.

Ilan naman sa mga vendor sa lugar ang nagkomento na posibleng “botcha” o double dead ang karne kaya nang malamang may paparating na pulis ay iniwan ito.

Gayunman, hindi naman nakumpirma na isa itong botcha.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.