Karnaper na pulis, huli sa pagbebenta ng kinarnap na sasakyan

SWAK SA KULUNGAN ang isang pulis na pinaniniwalaan ng PNP-Cagayan na sangkot sa mga nagaganap na malawakang operasyon ng carnapping sa buong Central Luzon matapos na maaresto sa isang anti-carnapping operation na isinagawa ng Hi-way Patrol Group sa pamumuno ni P/SSupt. Ricardo Espiritu, hepe ng HPG Region 2.

Kinilala ni Chief Insp. Noel Nava, hepe ng Cagayan Hi-way Patrol Team ang suspek na si PO1 Vence Baredo Sitaru, ng Poblacion Cabugao, Apayao, miyembro ng PNP Police Security Protection Group, National Headquarter, Camp Crame, Quezon City, at isang buwan na umanong AWOL sa naturang himpilan.

Nabatid na isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon sa pulisya tungkol sa binebenta ng suspek na mamahaling sasakyan sa halagang P160,000 lang samantalang ang totoong halaga nito ay P1 milyon.

Mabilis na nagsagawa ang Hi-way Patrol Group ng anti-carnapping operation sa sentro ng Tuguegarao City at doon namataan ang nasabing mamahalin sasakyan (CRC 690) na minamaneho ni Sitaru.

Matapos na sitahin at hanapan ng dokumento ng naturang sasakyan si Sitaru at walang maipakita, agad na hinuli ng mga awtoridad ang suspek.

Natuklasan ng Regional Crime Laboratory ng SPG at LTO na ang naturang sasakyan ay ninakaw noong June 27, 2011 sa Sta. Cruz, Manila na pagmamay-ari ni Mrs. Aida Ramos ng Capitol Hills, Quezon City.

Agad na sinampahan ng mga awtoridad ng kasong carnapping at illegal possession of firearms ang naturang suspek.

(ROLANDO S. GAMOSO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.