Karen Reyes, agaw-eksena sa press launch ng Star Magic Angels

Karen-ReyesHINDI SINASADYANG makanakaw ng eksena si Karen Reyes sa press launch ng Star Magic Angels few days ago. Nakaaaliw siyang sumagot sa mga tanong ng press at pinaninindigan talaga niya ang pagka-jologs, but in a good way naman.

Ayon kay Karen, ayaw niyang makipagsabayan ng Ingles sa mga kasamahan dahil baka magkamali siya ng grammar at pagtawanan lang siya. Nangyari na raw ito noon pagkatapos niyang lumabas sa Pinoy Big Brother. ‘Yon din daw ang nag-udyok sa kanyang mag-aral ng English at personality development sa John Robert Powers.

Si Karen ang runner-up ni Myrtle Sarrosa sa PBB Teen Edition 4. Pero wala raw silang rivalry, ayon pa sa dalaga. Magkaibigan daw sila ni Myrtle at hindi niya ito itinuturing na kakumpetensiya.

Crush ni Karen ang baguhang si Anjo Damiles na partner ni Julia Montes sa Doble Kara. Minsan na raw niya kasi itong nakasama at nababaitan siya sa binata. Sa medyo matured actor, ang crush naman niya ay si JC de Vera. Nag-post pa nga siya ng picture nilang dalawa sa kanyang Instagram account recently.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleLovi Poe, good vibes at positive energies lng
Next articleArnell Ignacio, nag-iilusyon lang kay Ken Psalmer?

No posts to display