Karel Marquez gave birth to baby girl Keiley Audrianna

HINDI KO MAPIGILANG maluha nang dinalaw ko ang V. Mapa High School sa Sampaloc, kung saan ako grumadweyt ng high school.

Meron kasi akong dating classmate na sumulat sa Wish Ko Lang na ang tanging wish lang daw niya ay makita muli ako at baka puwede ko raw siyang matulungan dahil hindi naman siya sinuwerte sa buhay.

Kilalang-kilala ko siyempre ang dating classmate ko na ‘yun dahil lagi akong nakatambay sa tindahan nila para makalibre ako ng pagkain. Bihira naman akong makapag-baon noon.
Kapag nandu’n ako sa kanila, lagi akong pinapakain ng Nanay niya. Kaya nu’ng tinawagan ako ng Wish Ko Lang tungkol sa hiling ng classmate ko na ‘yun, kaagad akong pumayag para maibalik ko naman ang magandang pakikitungo nila sa akin noon.

Binigyan siya ng kabuhayan showcase ng Wish Ko Lang, pero nagkita muna kami sa dating paaralan namin at naloka naman ako dahil nagkagulo talaga sila roon. Hindi na yata nagklase ang mga titser doon para lang makita at makausap ako.

Nakakatuwa naman dahil sa gitna ng mga kagagahang pinangagawa ko, parang proud naman sila sa akin. Pero ang importante, may napasaya akong tao na naging mabait naman sa akin nu’ng walang-wala kami.

Hindi ko napigilang maiyak nang tumapak uli ako sa V. Mapa High School dahil bumalik sa akin ang mga alala ko nu’ng pumapasok ako na walang baon at talagang gumagawa lang ng paraan para hindi lang magutom sa school namin.

Abangan n’yo ‘yan sa Wish Ko Lang, ang reunion ko du’n sa dating paaralan ko kasama ang dating classmate at kapitbahay ko.

CONGRATULATIONS PALA SA VJ/ singer na si Karel Marquez dahil kapapanganak lang nito sa panganay nila ng kanyang asawa na dating model na si Armand Go. Isang baby girl ang iniluwal ni Karel via caesarian na pinangalanan nilang si Keiley Audrianna.

Kahit hirap na hirap ang bagong Mommy, tuwang-tuwa ito sa pag-alaga sa baby niya na sobrang malakas daw kumain.

Mukhang nagmana raw ito sa kanya at sa lola niyang si Pinky Marquez dahil ang lakas daw umiyak at mukhang magiging singer.

Kapag okay na raw ang baby nila, balak ni Karel at ng dyowa niya na magpakasal sa simbahan dahil sa huwes pa lang sila kasal. Kung sakali, type daw nilang ang baby nila ang flower girl.

Ang isa pang excited sa panganganak siyempre ay ang bagong lola na si Pinky Marquez. Kapag walang taping sa Zorro, siya raw ang personal na nagbabantay at nag-aalaga sa baby.

Abangan n’yo na lang sa Startalk, Sabado, ang kuwento namin sa panganganak ni Karel.

Marami pa pala kaming kuwento na dapat n’yong abangan. At siyempre, maraming salamat sa mga nanonood sa amin dahil ang Startalk pa rin ang nananatiling number one sa lahat na Showbiz-Oriented Talk Show sa buong Mega-Manila.

by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.