Karapatan sa anak

Dear Atty. Acosta,

MAY ANAK PO ako na 6 years old ngunit hindi po kami kasal ng nanay niya. Sa kasamaang palad, nagkahiwalay kami noong ako ay nasa abroad. Ayaw po niya akong ipakilala bilang ama ng anak ko sa kadahilanang may iba na po siyang kinakasama at ayaw rin po niyang nakikita at nilalapitan ko ang anak ko. Hindi ko na rin po nabibigyan ng obligasyon ang anak ko dahil sa sitwasyon. Tama lang po bang hayaan na lang po namin ang ganu’ng sitwasyon? Salamat po sa inyong tulong. – Alex

 

Dear Alex,

ANG SITWASYONG IYONG kinalalagyan sa ngayon ay malimit mangyari sa mga dating magkarelasyon. Ang naging bunga ng inyong pagmamahalan nang walang basbas ng kasal ay kinikilala ng batas

bilang ilehitimong anak ninyong dalawa ng dati mong karelasyon. Subalit kinikilala ng batas ang ina nito bilang tanging magulang niya, sapagkat ayon sa batas, ang tinatawag na “parental authority” patungkol sa mga ilehitimong anak ay nasa kanilang ina lamang (Article 176, Family Code of the Philippines).

Dahil dito, ang kustodiya o ang pagkukupkop at pag-aalaga sa bata ay mapupunta sa kanyang ina. Ganu’n pa man, hindi ito nangangahulugang wala kang karapatan sa iyong anak. Ikaw ay may karapatang bisitahin ito sa oras at araw na napagkasunduan o itinakda ng korte. Ang karapatan na ito ay napapaloob sa sinasaad ng Saligang Batas patungkol sa institusyon ng pamilya, kung saan kinikilala ang likas at natural na karapatan ng mga magulang sa kanilang mga anak. Sa kabila ng hindi pagkakasundo o pagkawala ng matamis na pagti-tinginan ng kanilang mga magulang, ang ugnayan at pagmamahalan ng anak at magulang ay hindi nagbabago. Kung kaya hindi maaaring tanggalin ito ng batas o ng hukuman, maliban na lamang kung mayroong mabigat na kadahilanan na makakasama sa paglaki o kapakanan ng bata. (Joey D. Briones vs. Maricel P. Miguel, G.R. No. 156343, October 18, 2004, 440 SCRA 455)

Kapalit ng obligasyon mong siya ay bigyan ng suporta, maaari mo siyang madalaw depende sa usapan ninyo ng kanyang ina o sa kautusan ng

korte. Kung hindi ka papayagan ng kanyang ina na madalaw o makita man lamang ang iyong anak, maaari kang dumulog sa korte para kahit papaano ay mabigyan ka ng pagkakataon na makapiling ang iyong anak kahit na sa maikling panahon lamang.

Sa huli, ikaw rin ang makakasagot sa iyong katanungan. Kung papayag ka sa gustong mangyari ng dati mong ka-live in, wala kang dapat gawin kundi sundin iyon. Ngunit kung susundin mo ang iyong kasabikang makita ang iyong anak, dagdag pa rito ang likas mong pagmamahal sa kanya, gagawa ka ng paraan para maobliga ang kanyang ina na bigyan ka ng pagkakataong kayo ay magkita at makapag-usap man lamang. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa korte.

Nawa ay nagabayan ka namin sa pamamagitan ng opinyong ito.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

loading...

9 thoughts on “Karapatan sa anak

  1. magandang araw po sana po matugunan nyo po ang idudulog ko po sa inyo ang bf ko po ay may anak napalaki naman po nya kahit bilang isang construction worker po iniwan po sila ng nanay nung bata pagkaanak po tas 4 yaers na d nagparamdam ang ina ngayon po ay nais kunin ng ina ang bata dahil naniniwala siya sa batas na ang bata ay sa ina ano po ba ang pwede naming gawin kasi po masakit para sa isang ama na iniwan sila ng ina nito tqpos bigla na lang kukuhanin sana po matulungan nyo po kami pwede po ba na iadopt ko na lang ang bata tutal magpapakasal na din naman po akmi eh salamat po sana po matulungan nyo po kami godbless po

  2. pwede pu ba kung mjagtanung pwed ku pa pu bang bawiin yung anak ko sa nanay ko ayaw niya pu kase ibigay ei..im only 16 lng po

  3. Dear attorney,
    Ako po ay may isang anak na lalaki 10yrs old.
    Hiwalay na po kmi ng ama ng aking anak. Nandito po ako ngaun sa kuwait ofw 3yrs narin ako dito at iniwan ko po aking anak sknyng ama. Subalit nabalitaan kong nambabae siya at pinababayaan ang aking anak ako lagi ang sumusuporta sknya pero pinangsusugal lng nia ang perang pinadadala ko at pinambabae pa. Magbabakasyon po akong buwan n to. Pinakuha ko po sa tatay ko ang aking anak ngunit ayaw niang ibigay.
    Ano po bang dapat kong gawin. Gusto ko po mapunta skin ang kustodiya ng aking anak.

  4. dear atty. acosta,
                     naglive po kme ng bf ko nung nabunstis nya po ako pero nung nanganak ako hindi nya inapelido ang bata sa kanya. hiwalay na kme at hindi kasal paano po ba un paano ako hihingi ng suporta sa kanya hindi nya po pinirmahan ang birth ng bata? ano po bang dapat kong gawin. gusto ko lang po humingi ng suporta sa kanya ang gusto nya iwanan ko ang bata sa kanya at dalawin ko nlng daw. pero ayoko po atty. tulungan nyo po ako sa problema ko kse saleslady lag po ang trabho ko kulang po un lalo na pag magaaral ang anak ko.. salamat po hihintayin ko po ang inyomg ksagutan atty. salamat po.

  5. Good am po.!! may anak po kami ng asawa ko 5 at 7 yrs.old po.mgkasam po kami sa like po gayon.pero po sa tuwing mgtatalo po kami nais po niya punta sa brgy at lagi po niya ako pinapalayas.siya raw po may karapatan sa mga anak ko.dahil po pinagbibintangan po ako ng mga magulang niya at mga kapatid na may kabit.wala naman.po silang mapakitang ebidensya.sa ngaun po ngtatalo naman kami at kuha po sila ng magulang niya ng abogado para po mapalis ako at kuhain po mga anak ko.siya po ay ngtatrabaho sa ibang bansa at kauuwi lng po niya.ay karapatan po ba siya na basta n lng kuhain ang mga anak ko at sa poder ng mga magulang niya ito itira?

  6. dear atty acosta pwde ko bang makuha ang anak ko sa lola kahit nd kmi kasal ng asawa ko ksi umalis sya papuntang manila na iwan ang bata sa lola kya ngayon gusto kung kunin d ko naman pinapabayaan simula nang ipanganak. salamat po

  7. Dear attorney acosta,

    ako po ay 22 yrs. old ngayon. Mayroon po akong anak.4 mos. old po cya. Pero hindi po kmi kasal ng ama niya. Hindi po maganda ang pagsasama namin. MAy babae po siya at dinidisplay pa niya sa publiko. Hindi rin po nya naalagaan anak namin. Hindi nya nagagampanan ang obligasyon nya sa anak namin. Lagi pong masasama mga sinasabi nya sa akin. Lagi po niya akong sinasaktan emotionallly. Di niya po ako nirerespeto bilang ina ng anak nya. Lagi pa nya akong iniinsulto. Puro masama mga sinasabi niya sa akin. Tuloy nawawalan ako ng kompyansa sa sarili ko. Ang mama nalang niya ang pumupuno sa mga pagku2lang niya sa amin. Gusto ko na pong umalis sa puder nya. Total wala naman pong magandang resulta ang pagsasama namin. Gusto ko pong itanong kong pwede kamih umalis ng baby ko sa kanila ng hindi sila mangugulo. sana po matulungan nyo po ako.

  8. Good day po Attorney Acosta!

    Ang anak ko ay isang ilihetimong anak na ipinanganak noong 1998, hindi po naka apelido sa kanyang ama. October 1, 2011 namatay po ang kanyang ama, nagsama po kami simula noong 1992 hanggang siya ay namatay nitong October 1. Gusto ko lamang pong malaman kung may karapatan ang aming anak sa naiwan sa niyang mga ariarian? Ngayon po, dinedemanda kami ng tunay na asawa at anak dahil wala daw pong karapatan ang aming anak. Pero nagpagawa ng Affidavit of Recognition ang aking asawa na kinikilala niya ang aming anak. Kahit po ba hindi nakalagay sa Beneficiary ang aming anak may karapatan po ba siya?

  9. gud pm po,may anak po ako na 4 years old pero iniwan ko po ito sa ama nya (hindi po kami kasal) sa kadahilanang mula ng nagsama kami ay hindi po nya makayanang magtrabaho at kahit ako po ang nagtatrabaho ay hindi nya po inaalagaan ito,upang makaipon akp ng sapat na halaga para makuha ang anak ko iniwan ko sa kanya ang bata at makalipas ang 5 buwan ngayon nais ko nang bawiin ang anak ko dahil stable na ako s trabaho.napag alaman ko rin na mula ng iwan ko ang bata ay hindi na rin ito nagbago,ang ina lamang ng aking kinasama ang nagaalaga sa anak ko at araw araw itong sinasama ng lola dahil ayaw alagaan ng ama,lagi itong nakatambay lamang…
    maaari ko po bang makuha ang anak ko,may karapatan pa po ba ako kahit na iniwan ko sya nang hindi ko naman kagustuhan?
    sana po ay matulunga nyo ako…
    salamat

Leave a Reply

Your email address will not be published.