Karapatan ng Kababaihan at Menor, Pinaigting

LALO PANG pinaigting ang karapatan ng mga kababaihan at mga menor de edad sa lungsod ng Navotas matapos magsagawa ng seminar kamakailan ang pamahalaan lungsod tungkol sa kaalaman ng kani-kanilang karapatan.

Pinangunahan ni Navotas John Rey Tiangco, ang pag-lunsad ng city’s Gender and Development Council, ang isinagawang seminar na may kaugnayan sa Gender Sensitivity, Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 o RA 9262, HIV, at Privileges of Common Law Wives and Illegitimate Children.

Sinuportahan naman ito ng may 400 empelyado ng city hall, kasama ang mga barangay health workers, barangay nutritionist, at barangay Women’s desk staff.

Isa lamang itong paraan para mabigyan ng kaalaman ang mga kababaihang nakararanas ng karahasan at pang-aabuso gayu’n din ang mga menor de edad na may mga karapatan silang ipagtanggol ang kanilang sarili.

Gayon din ang mga kababaihan na may mga live-in partner kung kaya’t ang kanilang mga anak ay tinatawag na illegitimate subalit may batas na rito na may karapatan ang isang bata sa ama kahit hindi pa kasal ang kanyang mga magulang. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.