Karanasan ni Vhong Navarro, maging aral na sana sa mae-elyang artista

Vhong-Navarro Vhong-NavarroNANGYARI NA ang hindi dapat sana naganap na pambubugbog kay Vhong Navarro. Sa awa ng Diyos, kahit papano, kahit black and blue na iniwanan ang host-comedian ng mga suspect ng pananakit sa kanya sa diumano’y “rape” na ginawa niya sa babaeng kaibigan ng grupo, I stand against violence. ‘And’yan ang batas. Hayaan natin ang hustisya ang maghatol at hindi sa kamay ng kung sino man ang may karapatan na isagawa ang pananakit.

Kahit saan mo man tingnan na anggulo, ang kaganapan ng paghihiganti dahil sa ginawang rape (ayon sa mga suspect) or whatever, hindi dapat sa isang sibilisadong lipunan. Tapos na ang panahon ng mga naghahari-harian para ang lakas nila ang siyang mangibabaw. Na ang kapangyarihan nila dahil sila ang nasa estado ang siyang maghahasik ng takot sa mga maliliit na walang kalaban-laban.

Kung hindi ako nagkakamali, ang may pasimuno sa ginawa kay Vhong ay si Cedric Lee na dating boyfriend ni Vina Morales kung saan ito ang ama ng nag-iisang anak ng singer. Kung hindi rin ako nagkakamali, ang may pasimuno at may kagagawan (ayon sa pahayag ni Vhong sa Buzz ng Bayan last Sunday) ay involved din sa panunutok ng baril sa dating sportsman na si David Bunevacz na mister ng dating sexy starlet ng Viva Films in the early 90’s na si Jessica Rodriguez na naging dahilan para kumaripas sila ng alis papuntang Amerika at doon na nanirahan.

Kung saan man hahantong ang paghahanap ng hustisya ni Vhong sa karanasan niyang ito na kamuntik-muntikan na niyang ikamatay ay maging aral sana sa mga artista natin na ang “libog” ay dapat ilagay in its proper place.

Hindi nga ba’t sa interbyu kay Vhong ni Kuya Boy Abunda sa Buzz ng Bayan noong Linggo, sa unang pagtatagpo nila sa condo unit ng babae, inaakala niya na makaka-“hit” siya na nauwi sa waley ang kaelyahan ng host-comedian na sa sumunod nilang pagtatagpo (after Vhong’s dinner with his friend at may take-out food pa siya sa girl); expecting na maganap ang dapat maganap ay nauwi naman sa pananakit sa kanya.

Sa sitwasyon ng mga sikat nating mga artista, ang hirap nga naman na maka-hit ka ng babae para lang ma-satisfy ang makamundo mong pagnanasa (kahit ano mang alibi at dahilan) dahil pwede kang magamit sa mga ganitong sitwasyon at pagkakataon.

Kaya friendly advice ko, tigilan na ang pagbabaka-sakali. Itigil na ang paghahanap ng “friend friend kuning or fuck buddy” sa Internet like Facebook at Instagram dahil hindi n’yo alam na baka ang inaakala ninyong babae na magbibigay sarap at ligaya sa inyo, sa isang iglap ay bigla kang magiging biktima.

Kaya nga wise si Hunk Actor na romantically involve sa isang maganda at magaling na aktres dahil kung hindi pupuwede si Beautiful Actress sa tawag ng kanyang kalibugan, bibisita na lang si Hunk Actor sa Sylvanus, ‘yong massage clinic sa basement ng Pegasus Club para roon magparaos. At least safe. Walang Vhong Navarro bubugan na peg.

Noong Lunes nagsalita na rin ang kinakasuhan ni Vhong ng pananakitsa kanya na si Cedric Lee at ang diumano’y biktima ng “rape”. Sino ang nagsasabi kaya ng totoo?

 

SA ISANG showbiz party kamakailan, pinag-usapan ang mga lalaking artista na natsi-tsismis na mga gay or bisexuals.

Sabi ng isang kilalang talent manager, “Except for Rustom Padilla na umamin na bading siya, wala na akong maalala na may umamin that he is gay kahit alam naman natin na mga bakla sila.”

Career nila ang dahilan kung bakit ayaw nilang umamin. Hindi tulad sa Hollywood na hindi malaking isyu kung mag-out ka man.

Sabat ng isang reporter sa usapan, “Kung hindi ka aamin, ang publiko nag-iisip at hindi pa rin bumibitaw. ‘Andun pa rin ang interest nila sa ‘yo.”

Sabi naman ng kasama sa tsikahan, “Kailangan ba talagang umamin? Makatutulong ba sa career nila if ever they admit that they are gay?”

Sinu-sino ang mga showbiz celebrities na naging topic sa usapan? Kasama siyempre si celebrity na guwaping noong kapanahunan niya pero tumaba na, pero “in” pa rin naman sa showbiz dahil sa iba niyang gawain at si magaling na aktor na slightly gustong maging congressman in the next few years.

“Si Raymond Gutierrez ba… is he gay? Tsismis kasi, kaya nakaaapekto siya sa career ng brother niyang si Richard. But I doubt, hindi naman siya nababalita na nagkakalat kung saan-saan or naba-blind item.” Tanong ng isang non-showbiz tsikadora.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

5 thoughts on “Karanasan ni Vhong Navarro, maging aral na sana sa mae-elyang artista

  1. Ano ba writer, ba’t mo pa ba tinanong kung gay ba si Raymond. What a stupid question that is! It’s like asking if the leopards have spots. Yun na. That is self explanatory.

  2. nyahahahah sa mga lalaking talents ng katol Network ang dami nila dun,,,hindi muna kailangan ang GAYDAR,,,,,halatado na…..sa The Fort,,,yan ang favorite nilang puntahan,,,,,para chumurva ng mga Model Tambay…sa mga Bar…hahahha

  3. sa totoo lang, bading naman talaga yan si raymond, ayaw lang mag-out kasi magiging kahihiyan siya ng mga gutierrez hahahahahahahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.