Karambola ng mga Sasakyan; 3 Patay, 12 Sugatan

TATLO ANG nasawi at 12 pa ang nasugatan matapos ang karambola ng mga sasakyan sa national highway sa Barangay Magsaysay Hills sa Bambang, Nueva Vizcaya, Lunes ng madaling-araw.

Base sa ulat ng Nueva Vizcaya Police, nag-overtake sa sinusundan nitong sasakyan ang Northstar Bus at nahagip ang kasalubong na motorsiklo.

Matapos nito, bumangga ang bus sa isang nakaparadang Florida Bus dahilan para maatrasan ang isa pang Florida Bus na nakaparada sa likod nito.

Dumausdos pa ang Northstar Bus at kumanan saka nabangga ang dalawang kasalubong na motorsiklo.

Binawian ng buhay sa aksidente ang driver ng motorsiklo na si Bonifacio Domincel Jr., 30-anyos, isang barangay tanod, at residente ng Sto. Domingo Proper, Bambang; gayundin ang kaangkas na si Rod Dancel, taga-San Antonio South, Bambang.

Isang pasahero rin ng Florida Bus ang nasawi sa aksidente na si Ma. Carmen Francisco, 35-anyos na taga-Dulong Bayan, Sta. Maria, Bulacan.

Samantala, itinakbo naman sa Veterans Regional Hospital ang 12 nasugatan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.