Karambola ng mga Sasakyan; 1 Patay, 14 Sugatan

ISA ANG nasawi at 14 ang nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Brgy, Bito-on, Jaro, Iloilo City na kinabibilangan ng pampasaherong dyipni, 10-wheeler truck at pick-up.

Wala nang buhay nang dumating sa ospital si Melanie Gregorios, 36, ng Brgy. Balantang, Jaro dahil sa tinamong sugat sa ulo.

Sugatan naman ang drayber ng dyip na si Arman Villanueva at 13 mga pasahero kabilang ang apat na taong gulang na batang babae.

Sinabi ni PO1 Eric Solarte, traffic investigator ng Jaro Police Station na nakainom ang drayber ng dyip at ayon sa mga pasahero, nagmayabang pa ito sa kanila.

Mabilis din umano ang takbo ng dyip at pagdating sa kurbadang daan, nabangga ang  truck na bumangga naman sa pick-up.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.