Karambola Ng 9 Sasakyan Sa NLEX; 13 Sugatan

SIYAM NA sasakyan ang nagkarambola sa bahagi ng San Fernando, Pampanga sa North Luzon Expressway (NLEX) northbound Sabado bg hapon.

Kinabibilangan ito ng isang Montero, Pajero, KIA Pride, Everest, Hyundai, tatlong iba pang kotse at isang Bataan Transit bus na may body number na 29905.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang 13 nagtamo ng minor injuries.

Umaabot sa siyam na kilometro ang pagbibigat ng trapiko mula sa pinangyarihan ng aksidente o bago ang San Fernando Exit.

Samantala, sinabi naman ng pamunuan ng NLEX na tanging line 2 ang nadaraanan ng mga motorista kaya binuksan na rin ang emergency lanes.

Nabatid din na uma-bot sa San Simon Exit ang buntot ng trapiko.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.