Karambola ng 4 na Sasakyan sa EDSA: 1 Sugatan

HALOS ISANG oras at kalahati ring nagdulot ng problema sa trapiko ang naganap na karambola ng apat na sasakyan sa southbound lane ng EDSA Balintawak kahapon.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat, nawalan ng preno ang isang dump truck na may kargang buhangin at nabangga ang isang taxi.

Nabangga naman ng taxi ang sinusundang delivery van at nadamay pa ang isang bus.

Sugatan ang driver ng dump truck na si Jason Lazaro dahil sa nabasag na windshield.

Ayon sa driver, nang mawalan siya ng preno ay hindi niya napansin ang sinusundang taxi kaya nangyari ang insidente.

Sa lawak ng inokupang lugar ng mga nasangkot na sasakyan, isang lane lang ang nadaanan kahapon ng mga motorista.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.