Karahasan sa brgy. polls, umabot sa 76

UMABOT NA sa 76 ang mga insidente ng karahasan na may kinalaman sa barangay elections.

Sinabi ni Philippine National Police – Public Information Office (PNP-PIO) Chief Sr. Supt Reuben Theodore Sindac ang kanyang kalungkutan sa pagtaas pa ng bilang.

22 ang namatay sa mga nasabing insidente. 11 rito ay incumbent officials kabilang ang walong kagawad at tatlong kapitan. Tatlong kandidato at walong sibilyan pa ang napatay.

37 ang nasugatan kung saan apat rito ay kagawad at anim ang kapitan, apat na kandidato, 17 sibilyan at anim na opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Sindac, ibeberipika pa ang 76 na insidente kaya posibleng bumaba o tumaas pa ito.

Hindi pa kasama sa bilang ang anim na binawian ng buhay sa araw ng eleksyon na hinihinalang may kinalaman sa eleksyon.

Samantala 219 naman ang nahuling lumabag sa liquor ban sa ilang rehiyon na nakapagsumite na ng report.

Sa kabila nito, naging mapayapa naman aniya hanggang sa bilangan ng mga balota.

Samantala, sa pagtaya ng Commission on Elections (Comelec), masaya ito sa tinakbo ng halalang pambarangay kung saan mas mababa ang kontrobersya at mga aberya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.