Kapuso talent Kevin Santos, Nagmistulang Bata sa Hong Kong Trip!

KAHIT PANGATLONG BESES nang pumunta ng Hong Kong ang GMA-7 artist na si Kevin Santos, na napapanood sa Show Me Da Manny at nakatakdang mapanood sa pinakabagong GMA Telebabad na I Heart You Pare kung saan makakasama nito sina Dingdong Dantes at Regine Velasquez, super-excited pa rin ito sa pamamasyal at paglilibot sa lahat ng magagandang lugar sa Hong Kong.

Lumipad last December 31 patungong Hong Kong si Kevin kasama ang manager nitong si Joe Barrameda, Francis Lagazon at ang inyong lingkod para sa ilang araw na bakasyon at sa Hong Kong na rin magselebra ng New Year, kung saan nag-stay ang buong grupo sa Marco Polo Hong Kong Hotel.

Ito raw ang nagsilbing break ni Kevin sa sunud-sunod nitong trabaho sa GMA-7. Nilibot ni Kevin kasama ang buong grupo ang Hong Kong Disneyland mula sa Fantasy Garden, Fantasy Train Station, It`s A Small World, The Golden Mickey’s Pillar Magic, Space Mountain, Stitch Encounter, Tomo-rrow Land, Journey Into the future, Space Traders,Buzz Light Year, Astro Blasters, The Golden Mickey, Festival of The Lion King, Tarzan`s Tree House at Jungle River.

Bukod sa pamamasyal, nagmistulang bata ang buong grupo sa pagpapa-picture sa mga Disney characters tulad nina Slee-ping Beauty, Cinderella, Snow White at Belle ng Beauty and The Beast,Ginger Bread at Buzz Light Year. Nag-enjoy rin ang grupo sa Disneyland 2011 Snow Parade, kung saan parang totoong umuulan ng snow habang pumaparada ang Disney characters sa pa-ngunguna nina Mickey at Minnie Mouse.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.