Iza Calzado, todo ang pagdamay ng mga kaibigang celebrities

DAGSA ANG MGA kaibigang celebrities ni Iza Calzado sa burol noong isang gabi ng kanyang mahal na amang si Direk Lito Calzado sa Mt. Carmel Church sa Quezon City, na namayapa na noong Nobyembre 11 sa edad na 65 sa sakit na cancer of the liver.

Kabilang sa mga nakiramay sina Sen. Tito Sotto at maybahay na si Helen Gamboa, Celia Rodriguez, magkapatid na Bodie at Djanin Cruz, Ciara Sotto, German ‘Kuya Germs’ Moreno, Malou Choa-Fagar, Dennis Trillo, Bianca King, Karylle, ang manager ni Iza na si Noel Ferrer,  Sheena Halili kasama si Rocco Nacino, Martin Escudero, Steven Silva, Sef Cadayona, Luis Alandy at Butch Francisco.

Ayon kay Iza, nasa ospital sila ng kanyang kapatid at iba pang mahal sa buhay nang tuluyan nang magpaalam sa kanila ang kanyang ama dakong 12:30 p.m. Nang tanungin naman kung nakapagpaalam ba siya sa kanyang mahal na ama eh, tanging iling at pagluha lang ang naisagot ni Iza.

Maging ang kaibigan ni Direk Lito na si German “Kuya Germs” Moreno ay aminadong malaking kawalan sa industriya ang pagpanaw nito. Si Direk Lito direktor ng show ni Kuya Germs na Walang Tulugan With the Master Showman sa GMA-7.

Nagpaabot na rin ng pasasalamat si Iza sa mga taong nagmahal at nakasama ng kanyang ama. Expected na rin naman ni Iza ang pagpanaw ng ama at masaya na ang aktres dahil alam nitong maayos itong lumisan at payapa na sa piling ng Maykapal.

Nakatakdang i-cremate ngayong araw, Nobyembre 14 ang mga labi ni Direk Lito.

Mula sa mga bumubuo ng Pinoy Parazzi, ang aming taos-pusong pakikiramay sa pamilya ni Iza Calzado…

 

 

 

!

Photos by Mark Atienza & Luz Candaba

By Dani Flores

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.