Kapuso Babes, Hot in Boracay!

Parazzismiz

DAGSA ANG MGA artista sa Boracay noong nakaraang Holy Week para magbakasyon. Naispatan na namin ang tatlong naggagandahang dilag ng Captain Barbell na sina Michelle Madrigal, Solenn Heussaff at Bianca King. Nagmistulang outing nga iyon ng cast ng fantaserye ng GMA-7, dahil nandoon din ang bida na si Richard Gu-tierrez kasama ang mga kapatid na sina Ritchie at Raymond, at ang mga kaibigan nilang sina Nicole Anderson at Maxene Magalona na kasama naman ang dyowang si Neil Arce.

Nandoon din sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Lani Mercado kasama ang buong pamilya. May gagawin daw silang pictorial sa Boracay na gagamitin sa ‘wedding special’ para sa nalalapit nilang kasal sa May. Nakita rin namin ang singer-actress na si Vina Morales, at nasabi nitong silang dalawa lang ng kanyang anak ang naroong nagbakasyon. Kasama naman ni Jackie Rice ang kanyang non-showbiz boyfriend, ang mga kapatid at ang kanyang foreigner na ama.

Ilan pa sa namataan namin sa Boracay ay sina Ethel Booba, Isabel Oli, at si Rachel Lobangco na madalas na ‘naglalaro ng apoy’ dahil nga kinarir na nito ang pagsasayaw at paglalaro ng apoy o ang tinatawag na ‘poi dancing’.

SAMANTALA, HINDI RIN nakaligtas sa tsismosang mata namin si Gov. Chavit Singson na nakatayo sa labas ng isang ginagawang hotel. Nagbabakasyon daw ito roon ng ilang araw, at naikuwento niya sa amin na siya ang nagpapatayo ng nasabing hotel. Personal daw niyang sinu-supervise ang pagpapagawa ng resorts-hotel na iyon. Kasalukuyan namang nandu’n din si Lovi Poe, dating (?) kasintahan ng anak niyang si Cong. Ronald Singson.

Ayon kay Chavit, nagkita at nakapag-dinner na sila ni Lovi sa ipinapagawa niyang hotel. Nang tanungin naman namin kung naniniwala ba itong hiwalay na nga ang anak at si Lovi, sinabi lang nitong ‘kung walang issue, walang mapag-uusapan’.

Close daw si Lovi sa pamilya Singson, at may communication daw sa kanila. Sa katunayan pa nga raw, naka-check-in sina Lovi, Solenn at iba pang mga kaibigan sa ipinapagawang hotel ni Gov. Singson.

SA ISA PANG pagkakataon, nakita naman namin si Lovi kasama ang kaibigang si JM Rodriguez sa Discovery Shores. Kasalukuyang doon naka-check-in ang pamilya Revilla.

Nang mausisa namin si Lovi, sinabi nitong ‘hi… hello’ lang ang naganap sa kanila ni Jolo Revilla nang magkita sila. Hindi raw niya nakasama ang ex-boyfriend sa mga gimikan habang nandu’n sila sa Boracay.

Naikuwento rin ni Lovi na close siya kay Gab, anak ni Jolo, at nu’ng makita ito ni Lovi na nagsu-swimming, mabilis niyang niyakap nu’ng magkita sila. Na-mention din ni Lovi na nagkita nga sila ni Gov. Chavit Singson sa Bora.

Parazzi Wires Photos

Ni Maica Tidila

Parazzismiz
By Maica Tidila

loading...

17 thoughts on “Kapuso Babes, Hot in Boracay!

  1. makisingit nga,,ako na magsasabi kung ano totoo jan,,,ITS JUST A SHADOW!!! ok,,alam ko dahil expertise namin ang gumawa ng mga ghost effect kaya magtigil na kayo,,anino lang yan ANINO OK!!!

  2. @chaser… be careful with your words, not all of us here are maniacs.. we actually sympathized with Solen because we are also women…just examine it thoroughly coz it’s not a shadow effect as what you were claiming…

  3. sayang sana natangal na ang cover para matulad nung kay anne curtis…pyesta na sana…ayyyy…makapunta nga ng banyo

  4. me nipple slip po si solenn… if pwede baka po pwedeng tanggalin ung pictures nya kasi sya agad unang nakikita sa website. un lang nmn po

  5. @brandy I watched this yesterday. you know where i can buy that book by Cecil Arillo? i really like to buy that book. to hell with these aquinos and abscbn.

Leave a Reply

Your email address will not be published.