Kapulisan sa Caloocan, Pinababalasa ni Erice

HINIHILING NI CALOOCAN City Vice Mayor Edgar ‘Egay’ Erice kina Philippine National Police Director General Raul Bacalzo at National Capital Region Police Chief Nicanor Bartolome ang malawakang balasahan ng mga opisyales ng Caloocan City Police.

Nagpahayag ng kanyang pagkabahala si Erice kaugnay ng serye ng pamamaslang sa Caloocan, at iba pang krimen na hindi umano magawang lutasin ng kapulisan sa lugar.

Ayon kay Erice, sa ilalim ng prinsipyo ng ‘command responsibility’ marapat lang umanong kastiguhin si Caloocan City Police Chief S/Supt. Jude Santos sa pagkabigo nitong pigilan ang pamamaslang at iba pang uri ng krimen sa kanyang hurisdiksiyon.

Bukod sa mga pamamaslang, hindi rin umano magawang ipatigil ni Santos ang aktibidades ng mga iligal na sugal na namamayagpag pa rin sa Caloocan gaya ng Jueteng, lotteng at video karera na matagal na ring inirereklamo ng mga residente sa lugar.

Sinabi pa ni Erice na ‘overstaying’ na si Santos bilang pinuno ng kapulisan sa Caloocan at kailangan na itong palitan ng police official na nagtatrabaho at may kakayahang magresolba ng mga krimen at iligal na aktibidades sa nasabing lungsod.(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.