Kapulisan, Pinuri sa SONA

KUNG SINABON ng Pa-ngulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III  ang ilang opisyal sa kanyang State of the Nation Address (SONA), ilang kalihim naman at kasapi ng PNP ang kinilala nito sa kanyang ginawang talumpati.

Kabilang dito si PO3 Edlyn Arbo, na buong tapang na hinarap at tinugis ang isang holdaper sa nasakyang jeep, off-duty man at walang dalang armas; PO3 Felipe Moncatar na umani ng sari-saring papuri dahil sa haba ng listahan ng mga kriminal na kanyang nadakip at PO2 Dondon Sultan na tumulong sa nasiraan ng kotse sa kahabaan ng Quezon Boulevard at tinanggihan pa ang alok na bayad.

“Patunay kayong hindi pa endangered species ang tapat at mahuhusay na pulis. Inatasan ko na sina Kalihim Mar Roxas ng DILG, pati na rin si Kalihim Voltaire Gazmin ng DND, upang siguruhing ang mga katulad ninyo sa ating unipormadong hanay ay makakatanggap ng kaukulang pabuya,” ani ng Pangulo.

Maliban sa mga alagad ng batas, hindi rin pina-lampas ni PNoy ang pagkakataon para purihin ang trabaho ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario.

Ayon sa Pangulo, kung ibabase sa tradisyon, ang unang opisyal na biyahe sa labas ng bansa ng isang kalihim ay sa mga bansang may matibay at mapayapang ugnayan pero pagkatapos manumpa bilang Foreign Affairs Secretary, kumuha lang ng pambihis, nagtungo agad si Del Rosario sa Libya kung saan dumaan sa mahigit 20 checkpoint sa gitna ng putukan at pinamunuan ang pagpapatakas ng mahigit 20,000 Pinoy na naipit sa kaguluhan sa nasabing bansa.

Kasabay nito, todo rin ang ginawang pagpuri ni Pangulong Aquino sa yumaong si DILG Sec. Jesse Robredo na aniya’y nagdulot ng inspirasyon sa mara-ming lider at mamamayan ng bansa.

Nagluksa aniya ang maraming Pinoy sa pagpanaw ng dating kalihim dahil sa loob ng halos dalawang dekada, namuno siya nang may husay, malasakit at pagpapakumbaba gayundin sa kanyang gabinete.

Maliban sa mga nasabing opisyal, special mention din sa kanyang pinasalamatan si PSG commander Brigadier Ramon Mateo Dizon dahil sa kanyang matapat at mahusay na pagbabantay sa kanyang seguridad, gayundin sa kanyang pamilya.

Dahil daw sa trabaho nito, naging kumpiyansa ang Pangulo sa kanyang mga biyahe sa loob at labas ng Pilipinas.

Samantala, malaking bagay raw ang naging ambag ni Dizon sa pagbabago at isinulong na reporma ng kanyang administrasyon.

(MK Caguingin)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.