Kapitolyo ng Bulacan at BSU, Binulabog ng Bomb Threat

BINULABOG NG bomb threats ang iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, kabilang na ang Bulacan State University kahapon ng umaga.

Sa exclusive interview kay Ms. Patawaran, staff ni Bulacan Vice-Governor Daniel Fernando, dakong alas-8:12 ng umaga nang makatanggap siya ng text message mula kay Dr. Nelson Bautista, bayaw ng Bise Governador.

Aniya, nakasulat  sa kanyang cellphone ang mga katagang “May nag-text sa amin may sasabog daw na bomba sa BSU at Kapitolyo ng 10am”.  Dahil sa sobrang pangamba, agad niyang ipinaalam sa kanyang mga katrabaho ang mensahe ng pagsabog.

Agad namang naalaram ang mga kawani ng Kapitolyo, kung saan agad na tumawag ng pulis si Ms. Patawaran, upang mag-sagawa ng  inspeksyon sa loob at labas ng gusali, bagay na ikinaalarma rin ng mga taong may transaksyon sa iba’t ibang tanggapan.

Bunsod nito, agad ginalugad ng mga pulis mula sa Provincial Public Safety Company na pinamumunuan ni P/Supt. Ross Alvarado, ito’y upang matiyak ang seguridad sa nabanggit na lugar.

Kasabay nito’y nagsagawa rin ng inspeksyon sa loob at labas ng gusali ng pampublikong unibersidad ang mga awtoridad na binubuo ng 27 libong mga mag-aaral.

Kaugnay nito, hinigpitan na ang seguridad sa paligid ng nabanggit na gusali, maging sa  pamahalaang  panlalawigan.

(TONY DELA PEÑA) 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.