Kapitan, Todas sa Tauhan sa Cavite

ISANG BARANGAY CAPTAIN ang nasawi nang pagbabarilin ng kanyang chief tanod sa lalawigan ng Cavite kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Chief Supt Agrimero Cruz Jr. ang nasawi na si Sinaliw Barangay Chairman Teddy Alvarez na agad binawian ng buhay matapos magtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan.

Habang ang suspek naman ay kinilalang si Theodoro Ronsairo alyas Doroy, chief tanod ng Barangay Sinaliw ng Alfonso Cavite.

Ayon kay Cruz, nangyari ang pamamaril dakong alas-11:15 ng umaga kamakalawa sa bahagi ng Brgy. Sinaliw na Munti, Alfonso, Cavite.

Blangko pa sa ngayon ang mga awtoridad sa motibo ng suspek sa pagpaslang sa nasabing barangay chairman na ngayon ay pinaghahanap na rin ng Alfonso Municipal Police Station (MPS) na agad tumakas matapos ang pamamaslang bitbit ang ‘di pa natutukoy na kalibre ng baril na ginamit sa krimen.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.