Kapitan, Sinuntok at Tinu-tukan ng Baril ng Alkalde

KASALUKUYANG NAGPAPAGA-LING pa rin sa pagamutan ang isang barangay captain matapos umanong pagsusuntukin at tutukan ng baril ni Masantol, Pampanga Mayor Peter Flores sa loob mismo ng munisipyo.

Kinilala ang naturang biktima na si Edgar Guinto, kapitan ng Barangay Sta. Lucia Anac, na maga ang mukha matapos ang insidente.

Ayon sa isang nakasaksi ng pangyayari na kaalyado ni Guinto, posibleng nagalit si Flores dahil sa paghingi ng kapitan ng 20 porsyentong internal revenue allotment (IRA) para sa proyekto nito sa barangay.

Kalauna’y bigla na lamang aniyang pinagsusuntok ng alkalde ang kapitan at hindi umano mapigil kahit awatin pa ito.

Ayon naman kay Mayor Flores, tinawag aniya siya ni Guinto na bugok dahilan upang mag-init ang kanyang ulo.

Pinabulaanan ni Flores ang akusasyon na ayaw niyang ibigay ang IRA.

Hindi rin aniya niya tinutukan ng baril ang kapitan maging ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Samantala, miyembro ng magkalabang partido sina Flores at Guinto.

Ito na ang huling termino ni Flores bilang mayor ng bayan ng Masantol habang tatakbo namang konsehal ng Masantol si Guinto.

Sa ngayon, nagsampa na ng kaukulang kaso sa Ombudsman ang kampo ni Guinto laban kay Flores at handa naman itong harapin ng alkal-de. (PARAZZI REPORTORIAL

 TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.