Kapitan, patay; 1 pa grabe sa karnaper

DEAD ON the spot ang barangay chairman ng isang bayan sa probinsiya ng Zamboanga Sibugay habang sugatan naman ang na-

damay na residente matapos barilin ng mga hinihinalang carnapper na tumangay sa minamanehong motorsiklo ng biktima.

Kinilala ang namatay na si Alberto Arabia, 40-anyos, barangay chairman ng Barangay Marcelo sa bayan ng Titay, Zamboanga Sibugay.

Nakilala naman ang isa pang sugatang biktimang si Ernie Sumailo na tinamaan ng ligaw na bala sa katawan at patuloy na nilalapatan ng lunas ngayon sa pagamutan.

Batay sa report, ang insidente ay nangyari habang nakasakay ang kapitan sa kanyang motorsiklo sa may Barangay Bangco ng natu-rang lugar nang harangin at pagbabarilin ng mga salarin.

Pagnanakaw ang mo-tibo na nakikita ngayon ng pulisya sa pagpaslang sa biktima.

Patuloy na tinutugis ngayon ng mga otoridad sa lugar ang mga nakatakas na salarin.        (E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.